Saturday, March 18, 2006

la lang.

nagkasakit si Tony. Yun lang ang rason kung bakit hindi ako sasama sa Galera. Yung ibang reasons, di ko yun iniintindi. Kung hindi nagkasakit si Tony, sasama ako, Saint. Mahirap na kasing mabansagan na namang pabayang ina. Pag anak na, ibang usapan na yun. Tsaka may job something ako sa lunes, kwento later. *hehe*

ang puzzling, hindi nalaman kung anong sakit... normal lahat ng tests.

he wouldn't eat, low-grade naman fever... today, his first real meal was yung dinner (bale 4 days bago siya nakakain ng normal). nung lunch, dalawang subo lang wala na. you can see pa naman sa eyes niya pag may sakit. very expressive.

sinusuka niya yun gamot... eh taena, 900 pesosesoses pa naman isang bote... lintek na mga doctor na yan... magreseta ba naman ng mahal na mapait pang gamot sa bata... mga hungheng!!!!

the new doctor that we went to was okay... and he was the first doctor who noticed his skin was dry pala. now, moisturizing lotion ang laging meron sa bahay. ang soap nila, moisturizing baby bath. parang milagrong di na siya nagkakamot... lotion lang pala ang katapat. gumamit pa ako ng kung ano-anong gamot at oatmeal soap whatever. pakers!

underweight siya ng 4 kilos... syet di ba? sana ako na lang yung underweight... nyahahahaha!

pero, all-in-all, gwapo pa rin anak ko... op kors! tingnan niyo naman....

graduation ni tony from nursery

cutie tonyboy


grumaduate siya from nursery nga pala nung 10th, i forgot to make kwento. kumain kami sa max's after... 10th siya sa klase... yun lang... hehehe... wala eh... mana sa nanay. *wakokoko*

well anyway, yun lang... don't feel sorry for me about the trip... meron pang mga next ta-aym.

good news naman tayo...

nag-apply ako sa isang call center... sabi ko gusto ko ng magturo di ba? kaso lang dumarami na utang ko sobra... kelangan ko ng magbayad... nahihiya na ako eh.... tamang-tama, may opening for an email agent... maganda pa location, lapit lang... kaya nag-walk-in ako kahapon...

grabe, tagal kong naghintay! kakakaba pa...

1. essay test
2. interview with a pinay
3. grammar test
4. interview with a British language trainer

fotek, sobrang naintimidate ako sa Brit... pano, pers taym ko yun... nakalimutan ko lahat ng rules ng grammar, tenses, and all that crap...

honest naman siya... he corrects me from time to time... pero since ok yung essay ko, tsaka impressed siya sa grammar test (isa lang mali ko), tapos email lang gusto ko, pasado na ako sa kanya... pinababalik ako sa lunes for typing test ata yun...

ang hirap niyang intindihin sobra... iba talaga pag iba ang accent... grabe...

super *sigh* nga ako nung tsinekan niya yung box tabi ng PASSED eh... hahaha... buti na lang talaga ginalingan ko sa grammar test... at inayos ko yung essay as in walang erasure at okay naman ang pagkakacompose ko... sinadya ko talagang ayusin ang mga unang steps kasi i thought na baka yun ang magiging batayan... thank God for instincts... hahaha...

sa lahat ng mga job applications ko, dito lang ako sobrang nanghina... sobrang kinabahan... as in... hindi kasi sila gaya nung dati na madali lang... strict sila ever... halos lahat nung andun, binibigyan ng slip of paper, telling them NO. tapos sa tatlong nakapasa for interview with the Brit, ako lang ang nakapasa... yung dalawa, hindi... *sniff*

buti na lang talaga.... hehehe... tinanong ko nga pala kung san ako nagkamali, natawa siya... sabi niya hindi niya raw pwedeng sabihin kasi iisa lang daw ang test paper nila at baka ipagsabi ko.. kaya kung magaapply kayo dun, usap muna tayo.... *wakukukuku*

tsaka buti na lang naging honest nga pala ako nung tinanong niya ako kung gusto ko raw ba mag-voice na lang... sabi ko, i believe kasi that i write better than i speak! kasi nung nagba-blunder na ako dun, sabi niya totoo nga daw atang i write better... *nyahahaha*

hindi ako na-hurt dun sa sinabi niya kasi totoo naman eh... aminado ako dun...

hay.... sana pumasa ako sa typing test... nung sa dati, 52wpm ako eh... sana ngayon din... or kahit hindi basta pasado lang, ok na ako dun...

hay... haba na naman ng post ko... pasensya na, excited lang ako sa prospect of working again... earning money... and all... i really need new glasses kasi and a new fone! pero before that, bayad muna utang... kahiya naman sa mga taong inutangan ko eh... *sigh*

o cya cge... have a happy and safe trip, gelz.... pasalubong ko ah! text niyo ko lagi mga pakers... Ü

No comments:

Post a Comment