Monday, March 20, 2006

vadtrif...

kanina bumalik ako dun sa inaapplyan ko... Ebay test at typing test na lang sana tapos job offer na... naghintay ako ng 3 hours, only to find out na closed na daw yung position that i'm applying for... punyeta di ba? tama ba naman yun?

sabi pa, they closed nung Saturday pa... eh &*()^! ka pala eh... bakit di niyo (2 kami) kami pinabalik ng Saturday at Monday niyo kami pinabalik... di daw niya alam bakit Monday kami pinabalik... baka daw miscomm. nakow... kundi ka lang tomboy, sinabunutan na kita!

nag-offer naman siya na palitan na lang daw yung account and position, eh voice naman yun, ayoko na nga ng voice eh... so, sabi niya, tatawagan na lang daw kami in 2 weeks kasi may magoopen naman daw bagong account both for voice and email. SANA LANG.

meron namang akong ibang options... tinawagan na ako nung isa pang dapat trabaho ko na noon before ako na-sprain... sabi ko lang na titingnan ko nga lang tong bagong inaapplyan ko...

pero nakaset na kasi yung utak ko sa pagiging email agent ulit... at ang plano kong umakyat sa corporate ladder this time around... gusto ko na sana yung company na yun kasi one year pa lang, and very promising ito...

hay, ewan... yan... yan ang nangyayari pag sobra kang excited.

oOo

marami na namang nasabi
nakakapanlumo
pabalik-balik
paulit-ulit
ayaw akong tantanan ng ingay
nakakaloka
nakakabingi

oOo

DEATH is my only salvation.

No comments:

Post a Comment