Sunday, April 16, 2006

ayoko na ba?

ito ang isang tanong na hanggang ngayon ay hindi ko masagot ng tama.

ayoko na ba?

ang totoo niyan, ewan. ito siguro ang pinaka-honest na sagot na mabibigay ko. sa karamihan, napaka-tanga ko na.

ang mga madalas kong naririnig:

ewan ko sayo!

bahala ka... tagal ko ng sinasabi sayo, di na magbabago ang asawa mo.

o, kitam? di kinain mo rin sinabi mo. may pa-people-change people change ka pa dyan.

marami na sa mga kaibigan at kapamilya ang nagpapamukha sa akin ng katangahan ko. maitatanong niyo, ganun ba siya kasama?

hm.

hindi naman. eto, totoo.

hindi naman siguro siya kasingsama ng mga asawang pastym ang mambugbog ng asawa, o magsugal, o maglasing, o magsugal, o magdroga.

hindi naman siya nagnanakaw, o pumapatay.

pero, hindi ako masaya. lagi na lang akong hindi masaya. madalas naiisip ko, ako na ata ang may problema.

sabi nga nila, ang hirap kasi niyan, pareho kayong matalino... kaya ayan! ang tataas ng pride niyo... lagi kayong nagpapatalbugan... sinong mas magaling na magulang kanino? sinong mas maraming nabibili? puro kayo payabangan.

totoo din yun.

ako, kaya lang naman ganun, dahil sa mga naririnig ko, lalo na sa nanay niya... sa mga bintang niya sa kin, sa mga sinasabi niyang wala naman akong nagagawa.

isa siguro sa mga masakit na sinabi niya sa kin ay eto:

puro ka yabang, wala naman. asan ka na ngayon?

nandito.

kung mayabang ako, ni hindi na sana kita kinakausap sa telepono. e di sana, hindi na ako humihingi sa yo ng tulong.

bakit ba ako nagagalit? hindi ko rin alam... siguro dahil hindi siya yung taong para sa kin... pero, alam ko naman... tanggap ko...

sinong gago ang papatol pa sa gaya ko?

hello!

31 na ko.
tatlo na anak, special pa yung isa.
di na ko pwedeng magka-anak.
di ako maganda.
di ako sexy.
di ako flawless.

wala na talaga. at iilan pa lang yan sa mga pangit na katangian ko.

pero naisip ko rin, parang okay na lang ang mag-isa, kesa sa mabuhay ng malungkot... laging may galit sa puso... laging may duda sa isipan...

hanggang kelan ba ako ganito?

ang gusto ko lang naman, isang tao na:

~ makikinig sa kin ng totoo, yung hindi nagkukunwari.
~ yung irerespeto ako
~ yung hindi gagawin yung ayaw ko
~ yung mahilig magbasa, para may makausap ako
~ yung responsable at hindi ko na kailangang isipin kung may kakainin pa bukas, bayad na ba kuryente, PLDT, MWSS, credit cards... kasi siya yung nagiisip nun para sa kin
~ yung yayayain akong manood ng sine tuwing may bagong palabas
~ yung dadalhin ako sa boulevard para lang makita ang paglubog ng araw
~ yung hindi mahihiyang hawakan ang kamay ko pag naglalakad kami
~ yung susuportahan ang napili kong propesyon
~ yung kasama ko laging magsimba
~ yung sasama sa kin, kahit san ako tumira
~ yung ipaglalaban ako sa pamilya niya
~ yung may pakialam sa mga anak niya
~ yung sasama sa lahat ng tagumpay at kasawian naming magiina.
~ yung hindi ako sasaktan at pagbubuhatan ng kamay
~ yung hindi titingin sa ibang babae lalo na't kaharap ako
~ yung hindi ipamumukha sa kin na may isang babaeng tumutulong sa kanyang magbago, at hindi ako yun (sobrang napakawalang silbi ko naman pala talaga)
~ at lalo na, yung hindi sex ang laging nasa isip. na gagawin akong parausan. everytime.

leche.

meron pa bang ganitong lalake ngayon? alam ko meron. pero hindi siya yung pinakasalan ko. hindi siya yung nakilala ko. hindi siya yung nagkagusto sa kin. hindi siya yung nagsabi ng I LOVE YOU. hindi siya yung nagbigay sa kin ng mga anak.

hay.... taena.

ano bang klaseng buhay ang napuntahan ko? para na lang akong sirang plaka. on. off. laging ganito... paikot-ikot... hilong-hilo na ko...

bakit ba mahirap sa kin ang magdesisyon? kasi hindi lang ako nagdedesisyon ng para sa sarili ko lang... may tatlo pang taong maaapektuhan... silang hindi makakapagdesisyon para sa sarili nila...

kung naging maayos lang sana siyang kausap... yung tuwing aayaw ka, hindi niya iisipin, kasi may lalake ako... na hindi na naman daw bago...

ang lakas din naman ng tama mo!!!! ano'ng feeling mo? hindi ako pwedeng umayaw ng dahil lang sa ayoko na??? dahil sa ugali mo? dapat ba laging may third party?

ganito ba lahat ng lalake? kasi kung ganito sila lahat magisip, ayoko na talagang mainlove ever!

masaya naman ako ng walang lalake no... at bakit hindi? may mga anak akong nagpapasaya sa kin... sa ngayon, sila lang ang buhay ko... sila lang ang nagdudulot ng ngiti sa kin... sa lahat ng hirap na dinanas ko, sa lahat ng pagod... isang ngiti lang nila, napapawi lahat. naglalahong parang bula.

siguro, dito talaga lamang ang mga babae kesa sa lalake... ang ability na maging masaya kahit wala sila.

hay...

kung tatanungin mo ko ulit...

ayoko na ba?

ewan pa rin ang isasagot ko.

No comments:

Post a Comment