Sunday, May 07, 2006

a wicked mother.




yes, i am.

i currently have a terrible headache. the passed few days have been a mixture of emotions for me. mostly of sadness and just plain anger.

nagagalit ako sa iisang tao, pero dumadami ang napapagalitan ko... nasisigawan. i hate being like this, but i can't help it.

kung makakasama niyo lang ang mga anak ko kahit isang araw, malalaman niyo ang ibig kong sabihin.

nakakapagod na rin pala.

don't get me wrong...

i love my kids.

kaso lang siguro, minsan, your strings just snap for some reason or another.

minsan, nasasabi ko tuloy sa mga bata na sila ang papatay sa akin... na mamamatay ako ng maaga dahil sa kakulitan nila... sa ingay... sa iyakan, sigawan... sa pagsuway, sa pagtalon, sa pagsuntok, sa pagpalo, sa pagsira, sa pagpadyak, sa pagmura, sa pagdadamot, sa pagsira ng mga bagay, sa lahat-lahat-lahat...

minsan, napapapikit na lang ako at tinatakpan ko ang mga tenga ko sa sobrang ingay ng mga anak ko.

hay.

napakasama kong ina.

and i don't deserve my kids.

i pity them now... kasi lagi ko silang napapagalitan, nasisigawan, nakukurot, napapalo...

minsan, gusto ko na lang umiyak ng umiyak...

may kasama at katulong pa ko nyan sa bahay. pano na lang kung ako lang mag-isa? nakakatakot isipin na baka sa sobrang galit, ano'ng magawa ko sa mga anak ko...

it scares me.

hindi ko alam... i just don't know.

they're better off without me.

really.


No comments:

Post a Comment