Sunday, July 30, 2006

hay...

ang sakit-sakit ng katawan ko... especially my knees... naiiyak ako sa sakit... i don't know what's happening... i just prayed hard and cried.

was it something i ate yesterday? ano bang nangyayari sa kin?

disappointed na nga ako yesterday sa nangyari... feeling kawawa akong naglibot mag-isa sa Glorietta, kumain na rin akong mag-isa... tapos ngayon, ganito pa pakiramdam ko.. magkikita pa naman kami ni Bes dapat tomorrow... sana maging ok na ko... gustong-gusto ko na kasi siyang makita... i miss you sooooo much, Bes.

anyway, i don't have much to say... i just feel sad... because of the pain, and the worry in my mom's eyes.

a friend of mine called today. he was asking for an interview, maybe about my life, kasi he's taking his M.A. or something... well, ewan ko kung ano naman ang matututunan ng iba sa buhay ko... i believe, it's just another life na maraming tumbles... pero nakakatayo pa rin naman...

he also asked me if he's in my blog... i don't think i have ever written something about him. some things, and some nice people, need not be mentioned, i believe. di ko na kelangang maalala pa kasi di ko naman nakakalimutan... pag ang tao, nasa puso, di na mawawala.

sabi ko nga, di lahat ng bagay sa mundo, mailalagay mo sa blag... isa na ito dun. pero, syempre, nailagay ko na, di ba? hello, Bos!

eto nga pala ang necklace na nabili ko sa Glorietta kahapon... it's not much, but it has a turtle... so i don't care if it's not pretty... hihihi... adik!

Image Hosted by ImageShack.us

eto na nga pala hitsura ng buhok ko ngayon... sabi ko sa inyo, babalik ang kulot eh... syet. at ang mukha ko ah... araw-araw na lang nalaki siya... di kaya to pumutok na lang bigla? **wakokoko**

Image Hosted by ImageShack.us

o cya, pano, til next time...

No comments:

Post a Comment