Wednesday, August 09, 2006

mga ginawa...

mejo ok ang pakiramdam ko yesterday kasi konti lang dosage ko ng steroids.. to make me feel better, i painted my nails pink... hehe... it looks good actually, coz para akong pumuti...

Image Hosted by ImageShack.us

tapos since my mom is so sad since i got sick... mejo nawiwindang talaga ito... as in!!! nagbago lahat sa kanya, pati ata pagiisip nito eh... para ding naka-steroids... biruin niyong magparenovate ng bahay, nakakuha lang ng onting pera... at ang pintura, lime green at peach... hanep. tapos di makapagtrabaho, ang daming reklamo... para daw siyang nawawala sa sarili...

sabi ko nga, wag na niyang galawin ang kwarto ko at baka gawing kulay jebs or something. pagpasensyahan, nagugulumihanan eh... ako na nga dahilan. lintek na nephritis to.

isang sakit, magbabago ang lahat.

eh di niyaya ko na lang lumabas... sabi baka daw mapagod ako, achuchuchu... sabi ko, hinde, sabi ko alika, hanapin mong sarili mo... mag-shopping tayo... nyahahaha...

so nagpunta kami sa makati, at nakapagpabili ako sa kanya ng stuff... kalandian stuff ba... dalawang tsinelas, isang green at isang silber! syempre may i buy din akong silber na belt... o san ka pa... sayang at walang mumurahing bag na silber... (kuripot po ako at di nabili ng branded) nyahaha... tapos accessories na syang aking weakness (2 tribal necklace yung isa pagong, silver and white bracelet with matching drop earrings, pearl earrings, aquamarine ring na promo ng SM binili ko din kasi birthstone ko siya)... tapos Pilates video na kelangan ko daw gawin... o sya, sige, itry natin...

Image Hosted by ImageShack.us

imbyerna nga si mader kasi may i wait kami sa pamangkin kong si Aileen sa mall at gusto daw magpabili ng rubber shoes... lintek, gusto pa daw Skechers... eh sus, daming imitation nun sa Baclaran... kainis ng bumili ng original ngayon... yung tsinelas ko ngang dalawa, ang ganda na, 300+ lang nagastos ko eh... mga kabataan talaga ngayon...

at ang siste, hindi dumating ang lokaret... 2 oras nasayang sa paghihintay namin dun, sana nakabuy pa kong damit or whatever...

(sabi ni Aileen, hindi daw siya nagpapabuy kay mader ng Skechers, sa tatay daw niya sya nagpapabili... at ang tatay niya naman, sa nanay ko na lang pinabibili... at ang gusto pa ng tatay niya, pagawa daw pc nila... humihingi ng 8T... eh binayaran ng nga ng nanay ko yung telepono nilang 2700... at ang sabi daw ng anak niya, ang swerte ko naman daw at si mader ang nanay ko at pinagsha-shopping ako... hm... talaga lang huh? i smell some jealousy... again! eh sila na lang kaya magkasakit, pakshet! hay... sorry, Lord... i cannot control myself... wag na kasing mainggit sana, di ba? di naman ako nagpabili ng Skechers eh... wala pa nga atang 1T pinabili ko... naman! tsaka pinaghahandaan ang dialysis no... di dapat magwaldas ng pera... note to self dapat din yan.)

parang gusto kong magminiskirt ulit.. kasi parang himala na mejo gumaganda legs ko ngayon eh... since pumayat siya, parang di mashadong kapansin-pansin ang mga peleges ko ah... sabi nga ng nanay ko... napansin niya rin... oh yes... sana di na siya tumaba ulit.. hahaha... ang pants ko nga na masisikip, maluwag na... breathable. hehe... sayang at pinamigay ko na ang aking mga miniskirts... punta tayong UK. hehe.

ay tink, dahil ito sa kaka-lotion... oh yes.. di po ako vain na tao, ask anyone... ako po ay isang tamad na nilalang at ang tanging luho sa katawan ay magtoothbrush at mag-floss.

ngayon, para akong adik sa lotion... kung pwedeng minu-minuto akong maglotion gagawin ko... mula leeg hanggang paa... pati na rin alcohol... paglinis ng tenga... ang pagf-floss ng ipen... at maghugas ng ***eeep*** grabe... ako'y isang OC sa aking katawan ngayon... at hindi ko po alam kung bakit... epekto ng steroids?! malamang!!!

pati pagsusulat nga dito sa blag ko, iba na eh... adik mode!

parang excited na lang akong magpa-dialysis, kesa ganito... *wakokoko*

==================

kanina, pumunta na kami ng MMC para kunin ang request for biopsy slides... nakapagpacheck-up na rin nanay ko... at ako na rin... may blood tests ako bukas, kasi 10 hour fasting daw dapat.. so babalik ako dun tomorrow... bukas ng hapon ko na rin daw makukuha ang slides.. sana mejo maaga kasi dadalhin ko na ito sa NKI dapat, para matapos na rin ang lahat... para kung ida-dialysis, maumpisahan na at ayoko na ng ganitong steroids... pramis... parang mas gusto ko pang madialysis na lang kesa adik mode ever...

tapos nun parang nagke-crave ako sa pancit at siya namang granted agad ng nanay ko, with matching sinigang na ulo ng isda sa foodcourt sa Landmark... andami ko kayang nakain, kaya sabi ko ngayon gabi, oatmeal lang ako...

nakabuy din akong face powder kasi ubos na powder ko... pati nga eyelash curler, bumili ako... sabi ng nanay ko, bakit ang arte mo ngayon? sabi ko, eh pano, ang pangit ko na nga, lalo pa ba akong magpapapangit?

gamit-gamit ko na nga ang aking silber stuff kanina eh... hehe... ang arte ko. para feeling great kahit para akong walking zombie kanina... antok na antok ako, grabe... kaya niyaya ko ng umuwi ang nanay ko kasi feeling ko any monument babagsak ako sa antok...

pagdating ko sa bahay... PLAKDATION!!! walang bihis-bihis ito... wala ngang bedsheet yung kama eh, kasi tinanggal ko nung umaga pinalabhan ko... pag-gising ko, alas kwatro na... tamang-tama dumating na nanay ko from the drugstore at magtutusok na akong Recormon sa tsan...

at eto na nga, nag-blag muna ako... at sinagot ilang email na meron ako...

weniwei... sana maging ok na ang lahat... andami-dami kong gustong sabihin na matino, pero something's holding me back... tsaka na pag magaling na pati utak ko... hehe...

No comments:

Post a Comment