Saturday, August 19, 2006

mga huling habilin

naisip ko lang... di natin hawak ang buhay natin... pwedeng isang araw, di na tayo magising... bangungutin tayo, di ba? wala lang, gusto ko lang maging handa...

1. kung naghihingalo pa lang ako, yung mga tipong braindead na... nakaasa na lang sa makina, pwede niyo na akong i-unplug. ayokong maghirap, please...

pag natuluyan ako...

1. ayoko ng malungkot. gusto ko masaya mga tao. kasi i assure you, masaya ako. ang ngumawa, dadalawin ko, sige. sana pagusapan niyo na lang mga masasayang araw ko.

2. ayoko ng mahabang lamay. wag ng umuwi ang mga nasa Tate. Well, di ko naman kayo mapipigilan, pero wala rin naman kayong magagawa pag patay na ko... sayang lang sa pamasahe... pagdasal niyo na lang na mapunta ako sa langit.

3. ayoko ng open casket. gusto ko may picture lang ako sa ibabaw ng kabaong. pili niyo ko ng pinakacute kong picture.

4. ayoko ng ivi-video o kukunan pa ng picture pag patay na ko.

5. gusto ko may powerpoint presentation ng mga pictures ko, pamilya, at prens... ang kanta, pwedeng Beside You ng Simply Red. kaso lang, malungkot yun eh... pero, sige, gusto ko yun eh. pero pagkatapos niyong maiyak, tama na ha.

6. ayoko ng naka-itim mga tao... puti? pwede rin... pink na lang o kaya light blue...

7. ayokong uodin! (tama ba?) cremation na lang... mas mura pa. kung pwedeng isaboy ang abo ko sa Caleruega, kasabay ng paglubog ng araw at paglipad ng mga paro-paro, mas maganda... dramatic di ba? I will fly and be free... if you're sad, just think of me. pero kahit ano na nga lang na gusto ng mommy ko...

8. ayokong damitan ako ng pangburol... yung tipong parang puff sleeves and all? ampanget... gusto ko simple lang. pwedeng nakapants na lang... di ako sanay ng dress eh. tutal, closed casket naman.

9. gusto ko, papakain niyo sa tao, lahat ng pinagbawal sa king kainin.. matamis, maalat, meaty... bwahahaha... tsaka ayoko ng cheap food ha... yung mga tipong di mo kakainin pag ikaw pumunta ng patay... wag mawawala ang Boy Bawang tsaka beer.

10. ayoko ng pampatay na bulaklak.. hmmm.. mas maganda kung... in lieu of flowers, gusto ko, magdonate sila ng bato sa National Kidney at Transplant Institute, merong donor card na pwedeng kunin dun... o kaya, CASH!!! for my kids. hehe.

11. wala akong ari-arian... wala akong maiiwan kahit kanino kundi utang... at iniiwan ko to sa asawa ko... bwahahaha! bayaran mo lahat yun, pakshet.

12. sana, pag wala na ko, magkasama na ulit mga magulang ko sa iisang lugar.. kung sa Tate, eh di dun, kung dito, eh di dito... tsaka gusto ko, lumipat na silang bahay... benta na nila tong bahay namin..

13. yung mga gamit ko, pamigay nila or itapon... ayoko ng may naaalala pa sila sa kin. basta yung celfone ko, kay Anea.

14. si Dale, Anton at Anea... wag niyong pababayaan... pagpatuloy niyo ang pagtulong niyo sa mga anak ko ha... lalo na kay Dale.. alam niyo naman na special siya... ang mang-api sa mga anak ko, habambuhay kong mumultuhin.

15. wala na akong maisip... pag meron pa, magpo-post ulit ako... hehe.

No comments:

Post a Comment