Tuesday, August 01, 2006

para kay Bes...

Kahit na masakit katawan ko... kahit na feeling ko hilong-hilo ako... i don't think i'll miss an opportunity to meet Bes... i haven't seen her in ages... asar na asar pa nga ako kasi nga masama pakiramdam ko the day before... pero di ko pa rin pinostpone ang maiksing pagkikita namin...

Image Hosted by ImageShack.us

Nald accompanied me to meet her... hinatid niya ko sa Glorietta at nagkita kami ni Weng sa KFC dun... ang pangit talaga dun sa KFC na yun... parang ang dumi at ang food, di maayos... oh well... nilibre niya kong salad at mashed potato na di ko naman naubos kasi naman ang laki no...

syet, ang payat niya ngayon... kita pa nga tsan... lokaret...

Image Hosted by ImageShack.us

she's still the same... nagdadalaga pa rin... hehehe...

i can see that she's a little troubled... but i can also see that she's happy kahit pano...

alam ko na tuloy ang misteryo na naman na bumabalot sa kanyang katauhan... asus... yun lang pala... kala ko, sobrang malala naman... hehehe... kaya mo yan, Bes... dati na nating kinakaya mga ganyang situations no... mani na yan sa yo... ang importante, there's love and hope... at a stable job... hehehe... yung anghel, malay mo, dumating din... all in God's time.. lahat may solusyon... kundi man, may mas better na kapalit...

Image Hosted by ImageShack.us

i really missed you and i regret na di tayo nagkasama ng mas matagal... kahit gustuhin ko man... di bale, marami pang next time... we should do this more often... habang kaya ko pa... sabi ko naman sayo... di natin sure ang future... next time, watch naman tayo ng movie... ako naman manlilibre sa yo...

i liked the way that you didn't show me pity... and didn't tell me how 'bad' i looked... and you didn't even give Ronald a piece of your mind... kahit alam kong inis ka sa taong yun... hehehe... thank you for that...

pasensya ka na sa mga bigay ko sayo... ganun lang naman ako pag namimili, tinatago ko lang... di ko kasi nabibigay sayo sa dalang ng pagkikita natin... pero, i'm glad you liked the gift for 'him'... gamitin mo ha... tapos sabayan ng sayaw... ngahahahaha....

Image Hosted by ImageShack.us

The kids are growing up beautifully, btw... they're lucky to have you as their mom and of course, your parents as well... kamukha mo grabe si Dani...

Image Hosted by ImageShack.us

tell the kids next time na yung para sa kanila... kelangan sigurong makita ko sila sa personal no, para matantsa ko yung sukat... pinamigay ko na nga agad yung damit na para kay Dani kanina.. wala na kasing silbi.. hahaha.. ang liit kaya... yung kay Tony nga pala, kasya pa... thank you daw... thank you na rin from Anea and Dale... at salamat sa sulatan... bagay talaga sa kin ah... para malagay ko mga gumugulo sa utak ko? hehehe...

di bale, pag nagbertday ang isa sa mga anak ko na may handa, iinform kita ahead of time para makapunta naman kayo... makilala naman ni Anea yung dalawa...

p.s.
o di ba, at long last may new pictures na tayo together, kahit tatatlo... syet kasi nakakahiyang magpopopose dun no... sa susunod nga pala, sama mo ha... para ma-meet ko...


======================

Nald and I talked in the car after we dropped Weng off sa office.. He told me of his plans to go abroad na next year... di kasi pwedeng biglaan at may carloan pa siya... i'm all for it... this is the right time for him to go, lalo na ganito ang condition ko... wala kaming pagkukuhanang extra income. Sabi niya baka sa Ireland, may opening daw ang McDonald's.

Gagawin na raw namin resume niya... at long last, eto na ata talaga yung realization na hinihintay ko from him...

Ang dami niyang nasabing plano, pati what to do with the money that he will earn.. it's good to know that he's gonna entrust it to me... sabi ko naman, dapat kung ano lang kelangan dito at yung pango-open namin ng food business... the rest gusto ko, itago niya kung nasan man siya at malamang mas malaki interest nun pag andun... takot din kasi akong humawak ng pera...

If i'm gonna look into the future and daydream about it, sana maging tuloy-tuloy na... ang daming missed opportunities... especially for Dale... therapies and other intervention that we could've given him if only we had the money.

I am daydreaming of getting our own house and a family car... with all the necessities there... living comfortably... giving the kids' quality education... being at home and serving them... tending to the business from time to time... gardening, reading a book... getting better...

Small lang ang dreams ko... di ko kelangan ng fine jewelry, or humiga sa pera... di lang kami magutom, wala lang kaming utang, makabayad lang sa bills, di lang magkasakit o malagay sa disgrasya ang pamilya... at makakuha ng konting luxuries sa buhay... enough na yun for me...

I am praying for my dreams to come true in God's time... i know, lahat ng ito, pagsubok lang na lilipas din... minsan lang si Lord, mejo nati-trigger-happy at nasosobrahan ang pagsubok namin... hahaha... pero, nakikita ko ang mga positive effects nito sa pamilya namin... nagiging mas malapit kami sa isa't isa... mas nagtutulungan... mas nagkakaintindihan... mas nagiging madasalin... kaya kahit si Lord eh natutuwa sa pagbibigay sa min ng pagsubok, alam kong natutuwa din siya na may nangyayaring maganda...

Kaya kahit ganito, Lord, thank you pa rin... hinay-hinay lang ha. **wakokoko**

1 comment:

  1. go for your dreams! let sky be the limit! wala namang imposible ke Lord, diba?

    ReplyDelete