Monday, October 02, 2006

Magtanim ng buto

ang tagal ko ng di nagba-blag... natatamad ako eh... tsaka, madalas na sumasakit ang ulo ko pag matagal akong nakatitig sa monitor... kaya nga isa sa mga nagbago sa akin ay ang aking pangatlo't pang-apat na mga mata... bagong salamin, ika nga... mejo nakakapanibago kasi di siya ultra thin... kasi di kaya ng budget ko... hehe.

meron din akong pinagkakaabalahan na parang therapy churva... Nuga Best. Referred ng mom ko, na referred ng friend niya... Miracle Bed ang tawag nila dito... hihiga ka sa parang bed na mainit na minamasahe ang likod mo... mejo mahirap iexplain, kaya go na lang sa website. **hehe**

nakakapitong sessions na ata ako, and so far, ok naman ang reaction sa kin... bago ako pumunta dun, manas na yung legs ko... nung pang 5th session ko, nawala na yung manas... umimpis na rin yung manas sa face... though, it might also be because the steroids are being tapered na rin... from 60, 30 mg na lang ako every other day...

noong una, ang dami kong naramdaman... 'healing reaction' ang tawag nila.. kumbaga sa pimples, pag nagpaderma ka, di ba lalabas muna lahat ng pimples mo? Ganun siya... nahilo muna ako, sumakit ang ulo, nilagnat, sumakit ang kidneys... bago nawala yung manas.

Sana nga, totoong 'miracle bed' siya at gumaling ako... of course, kaakibat ng dasal... isa siguro sa purpose ng pagdating ng sakit na ito ay para maging mas malapit ako sa Diyos... well, Lord... epektib... **hehe**

Pag sinasabi nga sa misa na, "..only say the word and i shall be healed." super laki ng tiwala ko na totoo yun... feeling ko talaga, gagaling ako... kung ako man ida-dialysis, alam ko, kakayanin ko... unlike some people who didn't and died...

Meron ako nakausap kanina, yung kapatid niya, di kinaya ang dialysis... 6 mos lang namatay na... how sad... ako, i believe na kakayanin ko... kasi marami pa kong misyon sa buhay... unang-una na sa mga anak ko...

=============

Nung bagyo, syempre naman andito lang kami sa house... natanggal ang alulod namin! Buti na lang yun lang... Saturday 3pm kami nagkaron ng kuryente... natamaan si Tony ng broken glass from the glass holding our candle... buti na lang, small lang siya at di sa eyes... sa may side lang ng neck...

=============

Pinacheck-up ko na si Tony at Dale kasi nga ang tagal na ng ubo, di pa natatanggal... suspecha kay Tony, may primary complex... kaya babalik kami sa Doctor after two weeks para ipa-tuberculin test daw... pag nagkataon, 6 mos na gamutan ito... wawa naman bebe ko...

=============

Si Bes may bagong pagsubok na pinagdadaanan... pero, i consider it a blessing... pag ganun naman, it's always a blessing... pero di ko sure kung matutuwa ako or ano eh... kasi inaaalala ko rin yung ibang taong involved... pero, parang mas excited ako... **hehe**

=============

Pinagaaralan namin ni Dale yung mga sagot niya sa exam... kasi 15/30 lang siya, pasang-awa... Tagalog kasi at di niya maintindihan daw... sa English at Math, perfect siya.

Ako: Lagyan ng X kung mali... Magtanim ng puno, bakit X? Mali ba yun?

Dale: What's magtanim ng puno?

Ako: Plant a tree.

Dale: Yes! That's wrong! How can you plant a tree, it's so big! You need a ladder! I cannot carry a tree!

Ako: No... Of course, you should start with a seed, the buto... then the seed will grow into a tree.

Dale: They should write 'magtanim ng buto!'

May point ang anak ko, di ba?

1 comment: