Saturday, November 11, 2006

mga usap-usapan

Kumain kami noon sa isang Bulaluhan sa Evangelista... si Letku, gusto na agad uminom ng sopdrinks, eh ayaw siyang payagan ni Dada.

"Kumain ka muna." sabi nito.

Maya-maya...

Dada : Letku, kuha ka ngang tissue.

(di siya pinansin ni Letku... may pairap-irap pa.)

Dada : Cge na, Letku, nasa likod mo lang. Baka magalit si Dada, cge.

(di pa rin siya pinansin ni Letku... halatang pikon na si Dada, pero nasa labas kasi kami, kaya parang di niya makuhang magalit... kaya...)

Dada : Bochog, kumuha ka na nga ng tissue, bilisan mo na, baka ano pa magawa ko.

(lapit ako kay Dada at nakangiting bumulong...)

Ako : Cge nga, ano'ng gagawin mo?

Dada : Eh di, ako na kukuha.

ang tapang, noh?

~oOo~

Kanina, inaasar ko si Bochog habang nagbabasa siya ng libro. Kinikiliti ko, kinakagat, at siyempre, kinukurot.

Pagkatapos ng kulitan, naging seryoso ako at tinanong si Bochog:

"Pano kung namatay na ko, tapos, nagpakita ako sa iyo dito sa kwarto, nakaputi... ano'ng gagawin mo? kakausapin mo ba ko?"

Bochog : Oo.

(Waw... ang tapang ng anak ko.)

Ako : Ano'ng sasabihin mo sa kin?

(iniisip ko na maglilitanya siya ng mga magagandang salita at iiyak... pero...)

Bochog : Nag-Tide ka?

Lagot sa 'kin 'to 'pag nagkataon.

~oOo~

At eto naman daw ang nakalagay sa dyaryo pag namatay na ako:






QuizGalaxy!

'What will your obituary say?' at QuizGalaxy.com



at eto naman sa lapida ko:







Take this quiz at QuizGalaxy.com

1 comment:

  1. wow! antapang nga ni dada! hehe. hope ganun din si ryan.

    ska, ansmart ni bochong... tide or ariel? wehehehe...

    surely, darth vader will miss ya... wehehehe

    had fun reading this! :)

    ReplyDelete