Thursday, March 29, 2007

after everything...

whew! ngayong binasa ko yung post ko, narealize ko na talagang galit ako nun ah... haha! nope, no regrets. that's how i felt that day, and that's how it's gonna be remembered.

naguusap na kaming mag-asawa. i figured, bakit ko ba hahayaang sirain ng nakaraan ang magandang samahan namin ngayon... it's not perfect, but it's better.

==========================

March was a busy month 'coz my brothers and I, lahat kami, March ang birthday... So, lahat kami pinaghanda ng mom ko! Kahit konting handa lang, it was still special days for us three.

Di lang birthdays, pero pati mga Recognition at Graduation, ngayon din nangyari. May pamangkin pa nga akong nag-debut. Halos kasabay din ng graduation ng mga sisters niya.

Last Monday was Tony's graduation from Daycare. He finished 6th.... and on that day, I was surprised to know that he also has another award... "Best in Conduct"! Lahat sa bahay, hindi makapaniwala, coz napakakulit kaya at salbahe ng baby ko noh! Pero, mabait talaga siya sa school, kaya I guess he really deserved it.

Image Hosted by ImageShack.us Image Hosted by ImageShack.us


After the Holy Week, magiging busy na naman ako sa kaka-review naman sa kanya para matanggap siya sa school ng mga kapatid niya as Grade One... pero kung hindi pa rin niya kaya, ok na rin na Prep muna siya, tutal 6 years old pa lang naman eh... Problem kasi niya, sa reading and writing... magaling sa Math...! pwedeng accountant paglaki! =)

it was my birthday last Tuesday, and it was a great day, sobra... kahit I'M OFFICIALLY OUT OF THE CALENDAR na talaga... huhuhuhu! 32 na ko! Pero, kahit matanda na ko, wala naman sa mukha eh... di ba?! *haha*

Image Hosted by ImageShack.us


We went on a swimming party organized by mom, of course, sa isang condo sa may Roxas Blvd. i got to wear my 2-piece swimsuit for the first time since I had the guts to buy one, but since I was shy, I used a cover-up. haha!

Sabi nga ng husband ko paglabas ko ng CR, "bakit ko daw ginamitan pa ng kulambo?!" saying that in jest in front of my family... pero nung kami na lang dalawa, iba na siyempre sinabi niya... *hihihihi*

Image Hosted by ImageShack.us


the food was great... adobo, menudo, pancit, cake, puto, softdrinks... mga pika-pika... sayang, i forgot to take a picture... the kids had so much fun kahit na napakalamig!

Image Hosted by ImageShack.us


Wala sa mukha, pero trust me, they had fun! *haha*

Anyway, I forgot to include that it was also my daughter's Recognition Day that day. She finished Grade 5 with 5th Honors. Bumaba, from 2nd & 3rd, pero ok lang yun para sa akin... she promised naman that she'll graduate as Salutatorian next year eh... Kahit na konti lang awards niya this year, I was still proud of seeing her walk in front and accepting her certificate and medal.

Image Hosted by ImageShack.us

Image Hosted by ImageShack.us

Grabe, she looks a lot like her dad, noh? Pareho pang malaki ang tsan! Well, ako rin naman... *haha* She's growing up so fast...! Lagi na ngang masakit ang ulo ko dahil sa sobra siyang pasaway! hay...

Kanina naman, my husband and I went to an agency sa Makati... he submitted his requirements 'coz he was applying for a job sa UK. Medyo nakakalungkot na baka magkahiwalay na kami in the near future. Hindi ko rin sure kung talagang trabaho lang aatupagin niya dun... siya pa?! pero, kelangan na rin talaga eh... first, we need the money for the kids... and his talents kasi nasasayang lang dito, kasi he's good at his job, but he's not well-compensated... dito pa sa Pinas?!

Oh well, ganun talaga buhay...

Anyway... yung kapitbahay namin, nagwawala na naman! Hindi na naman tuloy makatulog mga anak ko! Hmp! Maganda lang ang location ng bahay namin, malapit sa lahat... pero ang environment naman! Hay...

Buti na lang, I have something to look forward to, tomorrow! Este, mamaya pala. Magkikita kami ng mga friends ko sa Glorietta... treat ko silang meryenda because it was my birthday nga... and besides, I really wanna see them ulit! I miss them na eh!

Can't wait!

2 comments:

  1. mami pretty, sobrang pretty ka compared kay other woman. nabasa ko lang post mo. makakarelate ako. hahaha.. sobrang galit ka nga nun ha. hehe. okwei lang yan, the next time, jombagin mo. joke. next time, ask me how to deal with those women. i know. consult my new post sa blog. hehe... infairness, buti ka pa naka two-piece. hehe. ang kyuuuuttt ng babies mo... lalo na si sailor boy... happy easter! :)

    ReplyDelete
  2. haha! thanks, Kendi! Happy Easter din!

    ReplyDelete