Monday, March 26, 2007

Pardon the french.

sabi ng Diyos, dapat daw 70 tayms 7 tayo magpatawad... so, mga 490?! may hangganan din pala... kahit ang Diyos pag-tapak ng 491 ay sumusuko din.

from my estimate, siguro nasa 489 na ko... isa na lang pala, bibingo na asawa ko.

Read on...

siguro mga dalawang taon na ang nakakalipas ng masugod ang asawa ko sa ER ng Makati Med. Habang nagdedeliryo siya sa lagnat, pinahawak niya sa kin telepono niya. Maya-maya, may nagtext.

Nung nabasa ko, para akong pinaliguan ng kumukulong ice cream.. imaginin mo yun. Ang gago, may kabet na naman... at ang sagwa ng p*tanginang pangalan... walang imahinasyon ang mga magulang, pinangalan sa pasador ang kanilang anak na malandi. nope, hindi Modess o Kotex... mas bago ito. Dagdagan mo na lang ng konti, eto na kalalabasan:

Image Hosted by ImageShack.us


ay, no offense sa batang ito... napaka-unfair naman na ikumpara siya dito... unfair para sa bata.

eto ang picture ng hitad:

Image Hosted by ImageShack.us

o, ha?! scratch with a coin to reveal the real picture! *joke*

anyway, sinagot ko yung text... mabait pa ko (kasi nga, may pagkatanga ako).. sabi ko lang nun ay "akala ko ok na kami ng asawa ko, hindi pa pala."

at ang punyetang babae, may lakas ng loob pang sumagot. Ang press release daw sa kanila ng gago eh, wala na daw kami. Hindi na siya sumagot nun.

Bumalik ako sa tabi ng asawa ko, at ng dumating na nanay niya, iniwan ko na siya... sabay bigay sa telepono niya at sabi ko na lang, "o, nagtext kabet mo.." sa harap mismo ng nanay niya.

Totoo lang, nakalimutan ko na yun eh... matagal na rin yun... pero, meron talagang mga multong hindi na lang manahimik at bumaba na sa impyerno. Nakakatawa, kasi kagaguhan ko rin ang nagdudulot sa kin ng ganitong kasiraan ng bait.

Ginawan ko kasi ng prenster account asawa ko... gusto ko lang dati, gawan ko siya nun, tapos maglalagay ako ng mga testi at pictures namin... mga ka-arte-han na feeling ko SUPER in-love kami sa isa't-isa... meron na rin siya nun dati, tuwang-tuwa pa nga yun sa testi ko dati eh... kaso binura ko yun nung nagalit ako sa kanya...

Anyway, merong mga ibang babae na nag-add pero understandable kasi kaklase... kahapon, binuksan ko... aba, anak ng kwarenta'y singkong polka-dotted palaka, may nag-add sa kanyang hindi naman niya kaklase (obviously, wala kasi sa listahan ng skwelahan).. nung tiningnan ko ang profile, aba! andun sa friends list ang pangsalo ng regla. t*nginang yun.

At hindi lang yun... nung tiningnan ko ang profile ko, hala! ni-view niya ko?! ano'ng feeling niya noh?! at nalaman ko na ang nag-add na babae ay pinsan niya... sus... gumamit pa ng ibang tao... leche, alam ko na mga style mo, kasi style ko rin yun, ungas!

Gusto ko lang klaruhin... hindi ako nagseselos... bitter, siguro. pero hindi talaga selos... GALIT!

Tapos na sila eh... or so i thought... taena ka, nanira ka na nga ng pamilya eh... gusto mo pang humirit?!

Yung profile ko dun nung una, eksklusibo lang sa mga kaibigan, pero since gusto nila akong makita, aba'y go right ahead! Iniba ko na, para makita mo naman kung sinong tinatalo mo, siraulo kang babae ka.

and to think na bente tres ka pa lang... eh di nung naging kayo ng asawa ko, bente uno ka pa lang?! aba, gaga rin... siguro katorse ka pa lang eh, sadsad na yang utak mo.. malamang di lang utak ang pudpod sa yo, hibang!

kawawa ka naman... wala kang utak, sinayang mo sa pagpatol sa may asawa... @ 21!!!! TANGA!!!

sana narinig mo nung dineny ka ng asawa ko... na baka daw kaibigan ka lang niya na niloloko siya... hanggang ngayon kaya, di ka niya inaamin... sabi pa nga niya kanina when i asked about you, 'huh?' namfotah, san napunta kagagahan mo? sa wala! hanggang 'huh?' ka na lang.

pero, uulitin ko lang... di ako nagseselos... kasi tingnan mo ha..

1. maganda ako--baboy ka
(hindi ko sinabing pangit ka.. pero, baboy ka... boybabs... MS. PIGGIE!!!)

2. marunong ako ng konti sa grammar--ikaw, sa pagkakabasa ko, medyo kulang ka sa bitamina B... as in magbasa ka sana ng maraming-maraming BOOKS... o kaya, manood ka ng FRIENDS or better yet, HOUSE, para mahasa ka.

3. di masyadong obvious pagkatanga ko--ikaw, super dooper.

4. kasal ako--ikaw, kabet.

5. di makapal mukha ko--ikaw, sobra! untog mo ulo mo sa pader, wala kang kamukhang artista... hello?!!! tigas ng mukha mo... pero, libre mangarap, kaya, dream on!

6.
ako, tatlo na anak na magaganda at matatalino.. (pero wala sa mukha ko ang may tatlong anak ha.)--ikaw, aba, malay natin baka baog ka.

7.
ako, marunong mag-rotate ng pictures--ikaw, learn!

so, bakit ako magseselos sa yo? eh, obviously pinaglaruan ka lang ng asawa ko, kasi kung hindi, ipaglalaban ka nun at di ka idi-deny.

Siguro, maraming magiisip na siraulo din ako eh.. na sobra naman ang mga sinulat ko dito.. kung ganun nga iniisip mo, wag ka ng mag-react. hindi mo naman kasi alam ang buong storya ng buhay ko, at kung ano talaga ako sa personal. hindi mo rin alam kung ano pinagdaanan ko sa asawa ko. baka nga pag nalaman mo pa, sabihin mo na lang eh, "huhuhuhu.... taena, i'm sorry... i didn't know..." sabay singa sa tissue, and i'll pat you in the back and tell you to hush and that you're forgiven.

Kung ikaw ay isa ring kabet, pasensya na... hindi ko sinasadyang ipatungkol sa iyo ang mga sinabi ko... patungkol lang ito sa iisang tao lamang... or maybe, 10 or 42... how the hell should i know?! di ko naman binabantayan araw-araw asawa ko. Pero, sana... kung hindi pa totally hiwalay ang kinakasama mo, tantanan mo na siya... lalo na kung may anak. Kung hindi mo alam... MASAKIT. Di lang sa asawa, kundi sa mga anak, lalo na. Alam ko both ang feeling, ok?! Pero, at least ako, natuto at nagmove-on... hindi na ko nangha-hunting ng mga may asawa sa prenster.

Hindi ko sinasabi na lahat ng kabet ay masama... i understand din naman kahit paano... babae din ako eh... alam ko ang feeling ng ma-in-love... ang sa kin lang, di naman totoo ang love at first sight eh... nung nakilala mo ba ang asawa ko na-in-love ka na? sana, iniwasan mo na lang agad eh... kasi nga laging sinasabi, prevention is better than cure... haha!

Kung nangyari sa akin ito dati, hihiwalayan ko agad asawa ko... laging ganun ang gusto ko dati... pero siguro, tumatanda na ko, kasi marunong na akong lumaban... ipaglalaban ko na what's rightfully MINE.

Sabi nga sa kin ng asawa ko dati... "bakit lagi na lang hiwalay bukambibig mo? bakit hindi ayusin?" Siya na mismo nagsasabi sa kin na ayaw niya akong mawala... So, ang mga babae niya on the side, siguro, pampatagal umay niya lang yun... ako pa rin ang ulam at kanin niya.

Matagal na kami ng asawa ko... 11 years old na panganay namin, 4 years kaming mag-syota bago kinasal... sa tinagal namin, maraming-maraming beses na siyang nambabae... there were times na talagang naghiwalay kami dahil sa mga babaeng ito... pero, relentless ang asawa ko... di siya tumigil hangga't di ako pumapayag na makipagbalikan sa kanya... EVERYTIME.

Meron pang time na sinabi niya sa kin na hindi na niya ako mahal... pero after a few months, andito siya ulit at nagsasabing mahal niya pa rin ako...

Maraming mga babae na ang sumira ng relasyon namin, both as a married couple and as parents... the latter, being the worst.

Anyway, kung ikaw naman ay kaibigan o pinsan o related sa babaeng dinescribe ko above... ewan ko sa inyo... masaktan na ang masaktan, blog ko to... buti nga inedit ko pa picture niya, hindi ko pa pinangalanan ng todo at pinost ang prenster account niya noh. Aba! Dapat nga magsaya siya at pinag-aksayahan ko siya ng panahon eh. Inedit-edit ko pa picture niya. Pagsabihan niyo na lang siya, na sana ay tantanan niya na asawa ko. Hindi naman siya ganun ka-panget para di makakuha ng ibang lalake!

At kung aksidente naman na mabasa to ng asawa ko... ewan ko sayo!!! di ko mawari kung bakit babaero ka... eh pag *blip. blip. blip* naman tayo, *blip. blip* ka naman (wag na nga censored eh)... ni hindi ka man lang umamin at maglitanya man lang ng "alam ko nagkamali ako, sorry... wala na kami, pramis... hindi na kita sasaktan ulit."

kasi, huli ka na... eto na pruweba eh... kasi kung hindi talaga yun totoo, why, oh why, would this sorry-excuse-for-a-woman have the audacity to make her presence known?! cge nga, paduguin mo ilong mo sa kakaexplain.

sabi nga ng marami... don't judge if you're not a judge... pero, ganun talaga buhay eh... pag nagawan ka ng mali, magagalit ka... natural yun... makakapagsalita ka ng mga masasakit na bagay... and why the heck not?! hindi lang asawa ko binibingwit niya... kasama buong pamilya... kasi nagsumpaan sa harap ng dambana... ang dalawa ay pinag-isa... kung kumakabit ka sa asawa ko, kumakabit ka sa aming lahat. not unless isa kang hudyo at walang Diyos.

and don't tell me na wala kang sinisira... sinong nagsabi sayo, asawa ko? puhlease... men will tell you they're virgins if that's what it takes to get you into bed. wala ka sa tabi namin araw-araw so hindi mo mapapatunayan ang katagang "wala akong sinisira, matagal na kayong sira." utot mo!

wag mo rin sabihin sa akin na "asawa mo pagsabihan mo!" kasi, nasa sayo yun noh! alam mo ng may asawa eh, inentertain mo pa. sus!

hay!!! ewan ko ba... ako talaga, i believe na nasa babae ang lahat ng desisyon eh... kasi ang mga lalake, born polygamous na nga raw... so, kung lumapit sana sa tin ang isang may asawa, wag na nating bigyang pansin pa... guapo lang asawa ko noh! kung beyond that hinahanap niyo, ay sus! wag na siya, sayang lang pekpek puso niyo.

at please, bago sagutin ang mga nanliligaw, i-check ng todo ang background... maraming nagpapanggap na single! sabi nga ni Angelica Panganiban, "lahat ng lalake, siraulo!"

note:

hindi ako santo. it takes two to mambo. marami rin akong kasalanan. lamang lang asawa ko sa kin ng mga 3,646.78 kung magbibilangan kami. at sabi ko nga, blag ko to. ok, fine? basahin mo na rin ang DISCLAIMER, 'coz that's what it's for.

1 comment:

  1. so... hot in here. ma prenster mo hot mama ka eh! *so sweet* hahaha. joke lang ate. muaah!

    ate pong, i know how u feel. ako nga bf palang tarantado na how much more kung asawa ko na d ba?

    yeah, tama ka jan, nasa babae talaga ang desisyon at nasa kanya na yun kung magpapa yugyog sya para lang madiligan sya. punyeta, naalala ko nanaman. sorry sorry i gt carried away. nadala ako sa post mo eh. hay..

    hay.... mga lalake nga naman..

    ReplyDelete