Sunday, July 01, 2007

lab

masaya ang buhay pag may nagmamahal sa yo, di ba? lalo na pag madami sila... parang di ka mauubusan... mawala man yung isa, may kapalit. pero, sa totoo lang, meron ba talagang pwedeng pumalit? di naman napapalitan talaga yun eh. yung tunay na lab, kahit maubos na buhok mo sa katawan, lab mo pa rin yun.

kahit naman sakitin ako.. kahit na di ko matupad mga pangarap ko... kahit na madaming beses na akong umiyak.. masaya pa rin ako. marami kasing nagmamahal sa kin. mga taong isang text ko lang, nandito na para sa kin. minsan, di mo pa sinasabi, di ka pa nagsusumbong, alam na nila na may dinadamdam ka. Mga
kindred spirit, kumbaga. Kundi dahil sa mga taong ito, ewan ko na lang...

Masasabi ko talaga na nabubuhay na lang ako para sa mga taong nagmamahal sa kin.. unang-una pag sumuko ako, baka may isang taong mapatay pa ko lalo. haha. wag ka na mag-react, alam mo naman kung sino ka. Pangalawa, di talaga option yung sumuko eh.. Magagalit mga anak ko.. Takot ko lang sa kanila. hehe. Buti na lang pinauso ni Lord yung lab, noh? Kung walang lab, good luck.

*~*


Masaya kahapon... pano, buy na ko new fone... sabay kaming bumili ni Mai sa greenhills... LG lang po binili ko... yung entry-level na 3G... di gaya ng fone ni Mai na N76, di ko kasi kaya yung ganun kamahal noh.. takot ko lang mahold-up.. nyahaha...


Ok naman yung fone, considering the price... solb na! gusto ko lang naman is maka-save ng maraming messages. hehe.
Pagkatapos ng pagbili, hala, halos di na kami makausap sa kakakalikot ng aming mga fones... pati fones namin may anniversary na...

hay... this is to better days ahead, Mai! Thank you so much for being a good person, and always being here for me... (background music) i dont know what i'm gonna do without you... Looking forward to another day out soon...

No comments:

Post a Comment