Sunday, August 12, 2007

tamad.

nagising ako ng 1:30am at di na nakatulog... at tuwing ganun ang nangyayari, wala akong ibang maisip gawin kundi mag-online. kesa naman hintaying ko lang lumiwanag ng wala man lang makabuluhang nangyari.

sabagay, wala naman din ata. binago ko lang naman ang template ng blog na to kasi nilalangaw na. tsaka since i'm in a black mood again, itim na ang background. dito mo malalaman kung ang current feeling ko eh masaya o hindi. well, ngayon, hindi. everything is gray, bleak, unsure. ergo, black background. ok naman kasi maayos siya sa lahat ng browsers. gamit ko kasi SeaMonkey, pagtingin ko sa IE, ok pa rin. yes!

isang linggo na akong may sakit. nahawa sa mga anak ko na naospital pa dahil sa kumakalat na infection ngayon. at may sore eyes na rin ako, galing din sa anak ko, na nakuha naman daw niya sa school kasi kalat din ito ngayon doon.

weniwei, wala lang. naisip ko lang i-post yun. wala din kasi ako sa mood magsulat ng matino. ganda ba ng tugtog? hehe. lamig ng boses, parang may sipon noh?

No comments:

Post a Comment