Thursday, September 13, 2007

hindi ako maganda...




don't be fooled by my pictures... magaling lang ako mag-emote... marunong humarap sa camera... alam ang anggulong babagay... alam ang ilaw na dapat... (in other words, frustrated model) may konting kaalaman sa Photoshop.... kapag hindi maayos sa colored, gawin nating b&w... at malamang magiiba ng sobra ang labas ng litrato.

Crop, crop, and crop away... yan ang isa pang sikreto ng mga camwhores na gaya ko. kung mapapansin, malapad ang noo ko... isa lang ibig sabihin nun noh!
maraming laman--puro tubig.
*bwahahaha*

Dahil dito, kinakailangan kong mag-crop... magbawas ng noo, kumbaga. o kaya'y gaya na lang ng pose na ito--takpan! (hindi, actually, pagod na ulo ko dyan kakatungo)

Isa pang alam ko, mag-erase ng marks... make them almost invisible. Pero, dito, wala naman akong iniba... minsan kasi, gusto kong nailalabas ang butas ng mukha ko... minsan lang naman. Cute minsan eh. Parang dimple sa gitna ng pisngi. Powtek.

Meron akong isang litrato na minsan kong pinost sa Myspace para mai-rate.
Eto ang kinalabasan:





Well... pano ba yan? ganun talaga eh... (1 voteS!)
actually, kung nagpakilala lang sana sa kin yung bumoto, lilibre ko sana siya...
babayaran... kaso, naduwag ata. Natunaw sa akala niya ay kagandahan ko. *lol*

Pero, to set the record straight... hindi ako maganda. Marunong lang. =P

No comments:

Post a Comment