Thursday, September 13, 2007

Jesus is just a statue...


yan ang laging sinasabi sa kin ni Dale pag kami ay nagsisimba. Hindi naman daw totoo si Jesus... Jesus is made of wood... meron pang "Look! His eyes are not moving!"

Pag mga ganitong usapan, hindi ko mawari kung ano ang isasagot ko. Pag bata ang kausap mo, isa ata sa mga pinakasensitibong usapin ang usaping relihiyon (at seksual). Lalo na sa gaya ni Dale na kailangan pang maglabas ako ng konkretong ehemplo.

Lagi siyang malungkot tuwing nagsisimba... "I'm bored..." ang lagi niyang sambit.

Hay...

Kaya ganito ang siste... uupo sa statwa ng mga kalabaw sa Greenbelt Chapel.... naghihintay na mamintig ang mga paa, at saka bababa... mananahimik sa isang tabi... o panonoorin ang agos ng tubig sa ilalim ng tulay.

Minsan naiisip ko, hanggang kailan kaya kami ganito? Siyam na taon na siya sa Disyembre. Ewan ko.

Ewan ko.........


No comments:

Post a Comment