Thursday, September 27, 2007

on HMOs

kanina, pumunta akong Intellicare para magpacheck-up. Kasama dun ang pagpapakuha ng dugo, urinalysis, ganun... eh papakuha ng lipid profile whatever, so kelangan, fasting.

pagdating ko dun, siyempre andun na naman yung imbyernang babaeng nasa front desk (na itatago natin sa pangalang Manang Blowfish)... you give her your card and she'll give you a referral or something... basta dun ka muna pupunta. maraming tao.. andun na ko.. la akong magagawa but to wait.. pero lintyak! ang bagal niyang kumilos... kwento dito... nood ng tv dun.. inom ng tubig... basta, ang daming kaartehan...

so nung tinawag na niya ko, sabi niya, 2-5 pa daw yung sked ng nephro sa MMC. Sabi ko, pwede ba na pakuha na ako ng blood kasi ganun din naman rerequest ng doctor, she can check kako the records, laging ganun... and besides, covered naman... sabi ko nga kasi i fasted.

aba, ang taray na hindi daw pwede. so sabi ko, i cannot wait and come back at 2, so sabi ko pacheck up na lang muna ako with one of their own doctors para lang mabigyan ako ng order for tests... again... ang daming ginawa.. swipe the card lang, it took her 30 minutes... tapos she gave the card to the nurse, the nurse took another 30 minutes... when the doctor called me, she was kind enough to give me a prescription naman for my Recormon injections, and the request for the tests.

Again, i have to give it to them for verification... biglang sabi ng nurse...

"ma'am, hindi na po kayo pwedeng patest today."

*sana nakita niyo mukha ko*

"baket?"

"kasi po fasting to dapat."

"oo nga... gutom na nga ako eh."

"opo nga. eh ano'ng oras ba kayo huling kumain?"

"around 7 or 8"

"opo. OVERfasting na po kayo."

*sana nakita niyo talaga reaction ko dito. as in.*

"that's precisely my point! kanina sinabi ko na sa front desk yan.. na nagfasting ako so i need to have the tests done agad."

"eh kanino ba kayo nakipag-usap? sana po tinanong niyo muna sa aming nurse."

*muntik ko na silang batuhin ng mineral water*

in the end, sabi ko na lang, gawin na yung pwedeng gawin na hindi kelangan ng fasting. so, okay daw. kelangan na namang itawag sa lintek na head office para aprubahan ang tests. si manang blowfish na naman. ang dami pang tinanong.

tapos pagdating ko sa Medtech, yung guy na kumuha ng dugo, kakatawa naman coz parang ang simple lang niyang kumuha ng dugo... walang "ok, take a deep breath, make a fist.." na mga usual na litanya ng mga bampirang yun.

sabi niya lang..

"next time ma'am kain pa rin kayo *tusok* ng mga 10am *hugot* ng gabi *stick a cotton ball* para di kayo ma-overfast. basta po 10-12 hours lang ang fasting"

ah.

"So, kelan ko makukuha result?"

"tomorrow po, tutusok po ulit tayo ha... para sa lipid profile, 10pm po kain kayo mamayang gabi."

sabi ko di pwede tomorrow agad coz fresh pa yung tusok kanina. pwede na daw. sabi ko hindi pa. ma'am pwede na, sabi niya. magaling na daw yun.

sabi ko...

"alam mo, hindi pa... kasi nung naconfine ako sa MMC, they did that, sumirit yung dugo sa dating butas, natalsikan yung medtech sa mukha."

and that made him shut up. ang tigas ng ulo eh. eto na nga, o... may pasa na.

hay... i miss Maxicare! I never had this much drama with them.


==========

i deleted my online business contacts... coz they're flooding my inbox! di ko na nakikita updates from my real friends. anyway, sorry sa mga dinelete ko... i'm not fond of buying via online din naman eh. i'm not much of a loss.

No comments:

Post a Comment