Thursday, November 29, 2007

bakit mapanghi sa Pinas?

Ang hipag ko nagtitinda ngayon sa labas ng Ospital ng Maynila. Nagkaron sila ng parang tiangge, to cover their Christmas party celebration. Ang bayad is 200 bucks lang a day.

So, since may balak akong magbusiness next year dito sa bagong mall namin sa Pasay (next year pa siya magagawa), I decided to go there and make bantay din. I learned how to put up all the stuff, how to take it down, what the market there wants... ganun.

Masaya siya, lalo na pag may nabili na. I went home din around lunch. I went back around 4, with Tony, to see nga how it would close. Eh si Tony, nawiwiwi... Ngek! Akyat kami sa hospital. Ang mamang gard, tinanong kami, san daw kami... sabi ko baka po pwedeng maki-CR lang kasi nawiwiwi na yung bata.

At ang sagot ng mamang gard?

"Dyan sa labas! Paihiin mo dyan!"

Po?

"Oo! Dyan o... maghanap ka ng butas dyan sa gilid... o kaya dyan lang sa baba... paihiin mo... sus."

gusto ko siyang sakalin. gusto kong sabihing... "at kung tatae po ba, sa baba na rin patataihin?!" sampal ko sayo tong bag ko eh.

hay... kung wala ka lang baril.

Thank God for Caltex.

No comments: