Friday, November 09, 2007

hay, Anton...


Tony was checking out my wallet kanina... inside were a set of pictures. the first one had a cut-out of Anea's ID when she was in Prep. Under her picture, there was an indication.

Tony: "Dep? Ano'ng Dep? Sa SPED si Anea, Ma?"

Ako: "Ha?! Baket?"

Tony: "Oo. Sa SPED ang Dep di ba?"

Ako: "Yung iba, oo. Pero si Ate, hinde."

Tony: "Eh bakit nakalagay dito sa ID niya, Dep siya."

Ako: "Asan? Patingin nga!"

ID: Elementary Dept.

Ako: (hagalpak ng tawa) "Ah! Dept! Department yan anak, pinaikli lang."

Tony: "Ah... akala ko naman bingi siya."


Toink!


Lipat naman siya ng picture... natapat sa picture ko at sa kabila nito, picture ulit ni Anea.

Tony: "Ano ba to... Di to mananalo sa Ms. Beautiful Philippines."

Ako: "Ano?! Sino ha?!"

Tony: "Wala..."

Ako: "Sino nga?!"

Tony: (tawa ng tawa) "Wala nga..."

Ako: "Isa..."

Tony: (tawa ulit) "Sige na nga... si Anea na nga."


Double toink!

No comments: