Saturday, November 10, 2007

Tony Chronicles part 3

Field trip ng Grade 1 San Isidro students, at kasama siyempre ang aking anak na si Anton. Well, well, well... good luck, di ba?

Mabait naman siya during the trip since kinausap ko siya before we went na hindi niya ako pwedeng pagurin coz alam naman niya na sick ako at madali akong mapagod lalo na kung hahabulin ko siya.

First stop was Avilon Zoo. It was nice coz there were a lot of animals na hindi mo na makikita talaga sa Manila Zoo. The problem lang was that my darn batteries won't work na naman... i charged them full naman last night... so, ayun! fonecam. when we got to a souvenir shop, i bought na lang batteries for 50 each. Kainis din coz tour ito, and we couldn't stay long in a certain place. We had to keep moving, so, ang kinalabasan.. bad pictures! Di bale na... importante naman is Anton had fun. I texted my mom pa nga pala:

Ako: Kainis! Chinarge ko naman yung batt kagabi, ayaw na naman umandar nung cam!

Mama: Tapon na yan! Bili na lang tayong bagong tig-1M.

Ako: Oo nga eh. Sabi ko sayo bilhin na natin yung Lumix na tig-30k sa Anson's eh.

Mama: Utot!

Ayus, noh?! Gusto tig-isang milyon, ayaw ng tig-30k lang. Alam na natin kung kanino nagmana si Anton.

Well, after ng Avilon, punta kaming 9 Waves. (After that, sa isang pagawaan ng sapatos sa Marikina.) On the way sa 9 Waves, pansin ko parang tutuka-tuka na ulo ni Anton.

Ako: Tulog ka muna.

Anton: Yoko. (yawn)

Ako: Sige na. Malayo pa naman ata eh. Tulog ka muna.

Anton: Di naman ako inaantok eh. (tuka)

Ako: Ano'ng hindi, eh nabagsak na ulo mo dyan.

Anton: Hindi nga. (tingin sa labas. maya-maya, tuka)

Ako: (buntong hininga) Hay nako... tigas ng ulo... sige.. bahala ka na nga.

Anton:


Zzzzz.....




No comments: