Friday, December 07, 2007

Paid trip to Vigan, anyone?

A call for volunteers and donors!

Type mo bang mag-volunteer for special children? O baka naman type ito ng kapatid, pinsan o kaibigan mo. Open din ito sa mga professionals na may ORAS sa ganitong mga gawain.
Puwede rin ito bilang seminar para sa mga mga guro sa regular at special schools, social workers, PT/OT, nurses, parents at sino mang nagnanais ng kasanayan sa paghawak at pag-aaruga sa mga batang kapansanan.
Join na kayo sa orientation at training on January 27, till April 6, 2008 (tuwing Sunday lang) 8:00 - 6:00 p.m.sa Eulogio Rodriguez Elementary School, Cavo Sanchez Street, Hagdang Bato Itaas, Mandaluyong City (Shaw Boulevard through Bonifacio Street, ang landmark ay 7-11 sa Shaw malapit sa Jollibee Acacia Lane).

From Boni Avenue (EDSA), take jeep with a Gabby's signboard and baba 7-11 pagkatapos ng San Felipe Nery Church, then take tricycle to Cavo Sanchez (mismong school na). From Crossing EDSA naman, take Quiapo jeep, baba na sa Bonifacio Street (landmark 7-11 pagkatapos ng Jollibee Acacia Lane.

Ang training/orientation na ito ay para sa mga gustong makasama sa Gabayan 2008 sa Vigan, Ilocos Sur sa April 11-20, 2008 o para sa sinuman na ang interest lang ay mahasa ang kasanayan sa pag-hawak at pag-aaruga sa mga batang may kapansanan. Ang Gabayan ay isang summer camp para sa mga batang may espesyal na pangangailangan. Puwede ninyong ipasa ang impormasyong ito sa mga taong inaakala ninyong interesado o di naman kaya, i-print mo pati attachment at i-post sa bulletin board ninyo.
Punta kayo sa lugar na nabanggit at hanapin lang si Kuya Jherrie, Kuya Riki, Ate Virna, Kuya Doc, Ate Sheen, Ate Elaine at Kuya Archie.

Kung di naman kayo available, baka puwede naman kayong magdonate ng cash para pamasahe at pagkain ng mga bata. O di naman kaya, ay mga pagkain tulad ng bigas at ulam na makakatulong ng malaki sa araw-araw na pangangailangan ng mga bata at mga volunteer na makakasama. Kung may sasakyan naman kayong puwedeng ipahiram e di lalong mas magaling. O baka type naman ninyong magbigay ng kahit anong regalo para sa mga bata.

Interesado na ba kayo? Makipag-ugnayan kay Kuya Jherrie (0917-8437758) o kaya kay Kuya Jonjon 561-2617 c/o AMOPDM para sa mga sagot sa mga katanungan ninyo o sa ilan pang mga detalye. Puwedi rin kayong mag-email sa jherrie_01@yahoo.com o guideinc@hotmail.com Please see attachments for details.

Aasahan po namin kayo.

GUIDED AND UNIFIED INTERACTION FOR THE DEVELOPMENT OF CHILDREN, INC.

2007 PNVSCA Outstanding Volunteer Organization

No comments: