Thursday, December 27, 2007

Tony Chronicles Part 3



Kumain kami sa Kenny Rogers' nung 17th with Daduds. Nung nasa counter na ako to order, lapit si Letku.


"mommy, sa akin chicken ah."

AKO: ok.

LETKU: tsaka gusto ko may Mang Tomas.

AKO: baby, gravy?

LETKU: hindeeee.... Mang Tomas... basta Mang Tomas gusto ko.

*toink!*

==========

Nagkikilitian kami ni Dale sa kwarto nang bigla siyang pumasok. Napatigil ako bigla na parang caught-in-the-act ang dating.

LETKU: Wah!!! kunwari ka pa! Nakita ko yun! Naglalambingan kayo! Lagi na lang siya! Siya! Siya! Kasi mas mahal mo yan!

*nye*

para naman akong nahulihang may kabit.


==========

Kanina nagpaalam si Dale sa nanay ko na magko-computer siya. Pinayagan naman. Eh nagpaalam din si Letku. Gusto niya, siya ang mauna. Napagalitan siya ni Mommy. At sabi sa kanya eh umuwi na nga siya sa Lola niya (byenan ko). Hala! Ngumawa. Sabay hawak sa telepono, akmang tatawagan ang Lola niya... mega hagulgol siya sabay sabing:

"wala namang nagmamahal sa kin...."

*huhuhuhuhuhuhu*

di naman tinuloy ang pagtawag. nagkulong sa kwarto.

ayun. pag uwi ko, may pasalubong ako sa kanya, syempre pa. *hehe*

No comments: