Saturday, January 05, 2008

Abo-rido (by Romi)

read this from Romi's blog. galing talaga niya magsulat. it was super funny! share ko sa inyo ang kagalingan nitong dati kong supervisor *claps*:

====

Hindi matigil si Pussy sa kakatawa sa last paragraph ng huling entry. Hindi maubos ang laugh trip sa mental image ng itatapon lang sa basura ang abo ng namatay. Sana raw, kung ganun din lang, tinadtad na lang ang bangkay at tinapon sa kung saan.
Pero dahil innovation ay a company value, nag evolve ang usapan sa ano nga ba ang puwedeng gawin sa abo ng isang na-cremate aside from ilagay sa banga at tirikan ng kandila paminsan-minsan? Kung ikaw ang na-cremate, pano mo gagawing kapaki-pakinabang ang huling alaala mo sa earth?
Puwedeng:
Mamimigay ang mga naulila ng remembrance sa lahat ng umattend ng cremation. Kung sa kasal o binyag, mga scented candle, bells, etc ang pinamimigay, dito, hourglass. Abo mo ang nasa loob. Hindi ka malilimutan tuwing may maglalaro ng word boggle.
Ibenta ka sa palengke. Ihahalo sa paminta, pamparami. Pinong pino ka tsong, walang sabit sa ipin basta kahalo ka ng pamintang durog. Sasabihin ng kumakain, ayos tong paminta ah. Deadly.
Alam mo ba ang emery bag? Yung mga hugis kamatis, mansanas, kalabasa, manika na tusukan ng karayom? Minsan kutson ang laman nun. Minsan, buhangin na pinong-pino. Yun ang role ng abo mo. Palaman ng emery bag.
(Contributed by Pussy): Kung summer ka namatay, magbilin sa kaanak. Ang abo ay idodonate sa simbahan. Isasahog ka sa main attraction ng ash Wednesday. Sisikat ka. Makakadikitang-noo mo ang class A-B-C-D-E. Titingalain ka ng lahat. Hindi ka na anonymous. Kitang-kita ka.
Kung gusto mo subukin ang loyalty ng mga kaibigan mong bakla, babae at tomboy. Ihahalo ka sa olive oil at glitters. Eyeshadow ka nila. Multuhin ang tatanggi. Walang kuwentang kaibigan.
Wag lang sana mapunta ang abo mo sa mga kaaway mong bakla, babae at tomboy. Ihahalo ka nila sa lotion. Gagawin kang foot scrub formula. Kabog ka. Or kung maitim kilikili nila at hindi pa sila handang sumuko na mamamatay na silang maitim ang kilikili, ihahalo ka sa Virgin Coconut Oil at ipangkikiskis sa kilikili.
(Contributed by Pussy) Wag ka rin sanang mapunta sa mga kaaway mong health conscious. Extender ka ng fibrosine, pantanggal libag sa bituka at dekorasyon ka sa tae (isipin mo na lang, candy sprinkle ka sa rocky road).
Malapit ba sa puso mo ang mga public school? Idonate ang abo. Ihahalo sa tinta. Malaking tulong ka sa pagmimeograph ng test paper para sa periodical exams.
Mas magiging kaiga-igaya ang home-made gravy when you're all over the surface. Mukhang KFC. So sa kusina ka dapat nakalagay.
Kelan ka huling nagpa oral prophylaxis? May solution dun na parang powdery ang feeling. Parang scrub powder pero pang-ipin. Ang konsepto, nai-is-is ang ipin. Ikaw ang susi sa kalinisan ng ngipin ng kabataan. Kahit sa mga baryo. Magdadala ang Colgate ng isang kahong supply, ihahalo ka, at isang baranggay na ang malilinisan nila ng ipin.
Nakakatawa at nakakapagod isipin diba? Kaya babalik tayo sa una kong proposition. Ang abo ay diretso sa basura.

No comments: