Friday, November 28, 2008

11/28

today, my CT just administered a quiz about tenses, predicting outcomes, and spelling. i just checked the papers. it was a little frustrating! they got low scores.... as in may 1/10. naman. na para bang nakakaawa talaga while i was encircling all the wrong answers. lalo na sa spelling... a lot of the kids can't spell talaga.... hay.

there was this one kid that i liked... mukha siyang OK... yun pala, hindi... may tutor pa siya nun ah.... sometimes, you get to think kung effective ba ang way ng teaching namin ng CT ko... baka hindi talaga nila naggrasp yung concept... pero kasi merong mga nakakaperfect or pumapasa talaga lagi... so i guess, nasa level of intelligence na lang talaga.... tsaka nga kasi nakikinig sila talaga eh... the rest are so makulit... talkative... laging may ginagawa... galaw ng galaw...

nway, yung activity after na pinagawa ko was just have them color nga some coloring pages, then construct a sentence using them.... frustrating din coz they were not able to construct sentences well.

i really cannot wait to handle a class on my own from the beginning... para talagang alam ko na ako yung kelangang gumawa lahat ng necessary things for them to learn talaga.... hay... maybe nasa phase pa lang kasi ako na parang gusto mong gawin ang lahat. probably my CT, since 4 years na ata siyang nagtuturo, alam na niya kung hanggang san lang din yung kaya niyang gawin for these kids. ako kasi since new pa lang, feeling kaya ko ang lahat... but i'm sure when the time comes, hindi ko rin magagawa. but i'm also sure that i will try my best for each and every one of the kids i will be handling will learn kahit pano.

kanina din nga pala, i really felt a little odd na parang masama talaga pakiramdam ko, lalo na dun sa time nung isang section. i think highblood na ako nun. kaya the rest of the time, i ignored the noise. hindi ako masyadong nanaway. i can't just go off getting sick, so kelangang ibahin ko na strategy ko sa pananaway... haha.

Thursday, November 27, 2008

Practicum Journal #2

It was a difficult week. Now I have more respect for teachers, and I admire them for their dedication and patience.

The school celebrated English Week for 2 days. The first day was for the grade school students, and the 2nd was for the high school. My CT was one of the coordinators of the said event, and I was left with handling her advisory class.

The first day, we had to watch the contests in the gym. It was hot and humid. All the students were there for the opening ceremony. I made sure that the class was disciplined, quiet, etc. It was really hard to control these kids. I have one student who is clearly one that needs special attention. He keeps on moving, and cannot control himself. He even hurts other kids. Although he always smiles and he has god qualities as well. He really likes it when I ask him to do things for me, like bringing books to the other section.

There is one other who is sooooo devious and sumbungero. I really don't like this kid, i'm sorry to say. As soon as I enter the classroom, he would tell me that one of the kids did this to him, etc. But I caught him taking that classmate's stuff, like he was retaliating, with that devious look on his face.

I kept on thinking... these little boys... they're so mean sometimes, that you can't help but think how their parents treat them. Before I was being so hard on myself coz my kids are really makulit in the house. Iniisip ko, ganun ba ko kasamang parent na eto ba natututunan nila sa kin.... But then I learned that they are all behaved in school. They respect their teachers, they do good, and hindi pa naman sila napapapunta sa guidance (except for Dale, but hindi siya yung gumagawa ng bullying). And that made me even more proud of my kids. At least kapag nasa labas na sila ng bahay, maganda naman pala sila umasal. And I think that's more important.

But these kids I'm handling.... grabe! Lahat ata ng sections may mga kids na napapapunta sa guidance office... and I don't mean once! and not only one kid din! Kanina, in one section, I noticed I was missing 6 of them. Yun pala, they're in the guidance office for counseling coz they were caught fighting with each other. Grabe. Gang fight na ito. And that's only Grade One kids!

Isa lang din ang conclusion ko dito... hindi porket private school, walang ganung nangyayari. So, ang mga parents na hindi kaya ang private schools, they don't need to feel bad. It's just the same. Iba lang sa kanila, probably yung facilities and the building talaga. And what I also found out, some of the teachers there are not even LET passers. Buti pa sa public, lisensyado mga teachers. So, saan ka pa? Di ba mas comfortable ka as a parent knowing that your kids are being taught by licensed teachers?

Dapat talaga yun ang tutukan ng government. Yung Education ng mga kabataan. They should provide the necessary equipment, manpower, etc.

Well, anyway...

The second day of the celebration, my CT was not available, so I handled all the classes and taught alone. It felt good. There were no major problems. The lesson was about Predicting Outcomes. Like making an intelligent guess on what will happen next.

Yesterday, though, was my first time to teach with my CT watching. The lesson was about Simple Present Tense. And it was a disaster, coz the video that I used, mahina yung sound. During my third class, the kids were all noisy that I had to stop showing it to them. Dapat pala even if i stopped it, I should have made them see it pa rin after the discussion.

Meron din akong nasabi about the topic na mali, napaghalo ko yung rule sa Simple Past Tense. I noticed my mistake during the next class na.

Today, was okay though. I think. Haha. I didn't use any electronic device na lang. I just used pictures and words lang as my motivation and review. May isang mali, coz di ko nagawa sa isang section din, pero since mahaba yung lesson ko, I didn't have time to really do everything. The kids needed to copy pa kasi.

Tomorrow, it's just writing activity, so I didn't need to make any visuals to use, thank God. I just need to bring some coloring pages for the kids to color. We're going to decorate the classroom, too, for Christmas.

I just need to finalize my lesson plan for next week today. 2 Lessons lang ako, coz review lang yung 3rd. Monday and Tuesday kasi we don't have classes. Tuesday is Pasay Day. Yes! I'd have time now to relax a little. A little lang coz during those days, I also have to write my lesson plans for the next week, and do my visuals din. Haha.

Pero syempre, I will watch Twilight muna with Anea. I wasn't able to watch the first day, I cancelled my reservation, coz of the many things I needed to do nga.

Hay......................... My CT asked kanina, hindi pa daw ba ako napapagod. Hindi pa naman, talaga. Totoo yun. Physically, yes. Pero yung pagod na ang ibig sabihin is umaayaw na... hindi... PA. Coz honestly, I like teaching. I like doing the lesson plan (well, not really pala, coz it takes up so much time, but is needed din, so no complains), i like doing the visuals. I super like thinking and coming up with ideas that will make the children participate. My visual kanina was a hit. The kids all wanted to participate talaga. If only I could call them all.

Kahit nakakapagod siya physically, rewarding naman, seeing all their faces. Hearing them call your name. Sagana din ako sa food minsan, coz they give me their baon na hindi nila gusto or di nila nakain. Some of these kids kasi, they bring too much baon. Isa daw yun sa sign na the kids like you, when they give you food. But of course, when my CT is there with me, the kids give the food to my CT. Some still give me, though. Imagine 3 sections yun. Magbigay lang 3 kids dun, eh di 9 na yung food mo. Kanina, I got 3 zest-os, 1 chuckie, and an assortment of biscuits. The day that my CT was not around. I got so much food, that I had to place them all in one plastic.

When I got home, Tony said, "Mom, I hope you don't mind... I saw food in your bag so I took some." ah..... english-spokening dollars, no?! haha. gulat ko din eh.

Yun nga... si Tony ang nakikinabang kadalasan. Haha. Pero before I accept their food, I always ask them first, kumain ka na ba, or do you have extra baon, and the kids will show their extra baon naman to me, and they'll say, "coz Ms. I don't like that one so yours na lang." And I can't not accept them coz if you reject them, they'll feel bad. I already asked the counselor about it, and that's what he said. Just to accept them and thank them.

Now, I'm thinking, ano kaya aapplyan ko next year... Naisip ko na high school na lang since I don't need a lot of visuals for that level, pero naiisip ko din na gusto ko nga yung ganun. Tapos andun pa yung mas rewarding na magturo sa mga bata, coz you know na foundations talaga yung tinuturo mo, and if you teach them well... dala nila yun til they grow older. So, now, nagdedebate yung utak ko at yung puso ko, kung san ako lulugar. Naisip ko na lang, kung san merong position. Haha! Beggars can't be chosers.

Hay... that's it for now... haba na eh... hehe. Lesson planning time at 11PM! Wah! Pasaway talaga ako.

Thursday, November 13, 2008

mga unang araw sa pagiging guro.

dahil wala akong pinagkakaabalahan ngayon sa buhay ko, nag-enroll ako ng practicum sa PNU. Ito na lang din naman ang kulang ko para makuha ko ang certificate ko (Certificate in Teaching). Nakapag-LET na ako noon pang 2004 at pinalad namang pumasa, pero dahil nagkasakit ako, hindi ko naumpisahang magturo.

In-assign ako ng Prof ko sa school ng mga anak ko, kaya medyo ayos na din kasi sabay na kaming lahat pumapasok, di na ko gumagastos ng extra sa pamasahe. Hindi na rin ako kinakabahan na baka kung may anong nangyayari sa mga anak ko dun.

Grade 1 English ako. 3 sections. 6x akong magtuturo kasi 1 hour and 40 minutes ang English time, kaya hinati sa dalawang sessions. 4 sa umaga, 2 sa hapon. 6:50-4:00 ang time, pero ang pagtuturo ay hanggang 2:10 lang. Merong mga 10 minute at 1 hour free time, meron ding lunch break.

Hindi pa ako opisyal na nagtuturo kasi 1 linggo ang observation time, pero naga-assist na ko sa classroom, like checking ng papers at sa discipline. Ginawa ko din ang bulletin board dahil English Week next week. Concept, materials, pagod ang binigay ko sa paggawa ng bulletin board na yun. Bukas, matatapos ko na. Konti na lang ang idadagdag ko, na manggagaling naman sa mga bata (gagawa sila ng sulat).

Kahit na maingay at sobrang likot ng mga students, hindi naman ako masyadong napapagod dahil dun, kasi malalambing naman sila. Merong mga students na sobrang pilya/o. Akala ko noon pag babae, hindi mahirap alagaan. Pero ngayon, pantay-pantay na sila sa paningin ko. Walang pinipiling gender ang kakulitan.

Grade 1 pa lang, nagpapasahan na rin ng notes na may I LOVE YOU pa. Nagliligawan na at ang nakakagulat pa dun, babae pa ang lumalapit sa guys. Syempre, lahat yun, puro lang naman biro.

Maraming mga bata ang medyo may problema, like hindi pa marunong mismo sa alphabet, tamad magsulat, mga halatang may learning disabilities, etc. Meron pa ngang isa na laging nili-lick ang kanyang mga daliri in a different and covert manner, obviously, may compulsions ang bata na sana ay dapat naiintervene. Hindi naman yun nakakalagpas sa mga teachers at sa guidance. Pero pag sinabi naman ito sa mga magulang, marami din sa mga ito ang hindi naman nakikinig at in-denial kahit obvious na. Kawawa ang bata, hindi nakukuha ang tamang intervention sa isang regular school. Hindi naman kaya ng isang teacher na bantayan ang anak nila all the time dahil malaki ang class size sa mga regular schools, unlike sa special school na 10 students in a class lang.

Kahit ilang araw pa lang ako dun, may mga kilala na akong students at natatawag ko na mga pangalan nila dahil sila yung mga kailangang pansinin. Yung mga hindi nagsusulat, maiingay, at tayo ng tayo.

Madami din naman akong natutunan sa aking cooperating teacher (CT) dahil sa pagoobserve ko. Yung style niya ng pagtuturo, pano imotivate ang mga bata, at ang pagdidisiplina.

Natuto din akong gumawa ng CPG (Curriculum Pacing Guide) o lesson plan. Aside from discipline and dealing with the parents, eto na ang susunod na mahirap para sa mga teachers. Ang mag-isip kung ano ang gagawin mo sa loob ng klase araw-araw. Hindi naman bigla ka na lang papasok sa isang classroom na hindi ka handa. Dapat may steps ka na susundin. Hindi pwedeng lecture agad. At sa mga bata, hindi pwedeng walang visual aids at mga pakulo.

Multiple Intelligences, dapat nakaintegrate sa lessons. At dahil Catholic ang school, pati ang pagiging Katoliko, dapat incorporated. At ang English subject, dapat din iniintegrate ang iba pang subjects. Tulad ng pagtuturo kunwari ng sentence construction, dapat gagamit ka ng sentence examples na gaya ng "A number that is multiplied to zero is always zero." na incorporated ang Math.

Ang pinakamabigat na problema sa pagiging teacher--ang mga magulang. May magulang na over-reacting. Konting magsumbong ang anak, hindi muna iga-gather ang facts, bigla na lang magagalit at susugod. At nangyari yun sa CT ko. Buti na lang nandun ako, meron siyang witness na wala namang ganun na nangyayari. Ang sumbong ng bata, sinipa daw siya nung CT ko. Hahahaha. Sobrang bait ng CT, at hindi halos humahawak sa mga bata. Ang batang babaeng ito, sa observation ko, ay isang child with special needs, mukhang ADHD. Hindi ko alam kung naintervene na siya. Kanina tinanong ko siya kung tapos na siyang magsulat, oo daw. Nung tingnan ko, wala pa siyang nasusulat. Dun pa lang, malalaman mo na agad na kaya nitong magsinungaling.

Hindi na pwede ngayon ang disiplinang gaya ng dati. Ngayon, dapat mag-ingat ka sa sasabihin mo sa bata dahil nakakarating sa mga magulang. Kung sabihan mo siya kunwari na "Masama ang magsinungaling. Tawag dun, liar. Liar ka ba?" sasagot yun ng "hindi po." tapos ieexplain mo na sa kanya ang topic ng pagsisinungaling, at ang samang idudulot nito, etc. Ang makakarating lang sa nanay nun, "si Ms, sabi niya liar ako." At ang nanay, susugod na lang at magagalit. Tinuturuan mo na nga ang makulit niyang anak ng discipline, siya pa ang magagalit sa yo.

Hay... Taas ang kamay kung sino ang gusto pa ring maging teacher!

Wednesday, November 05, 2008

buti pa sa paaralan...

...pag makulit ang mga bata at di mo na kaya, pwede mong ipadala sa guidance office.



bakit sa bahay, walang guidance office????




bakettttt??!!!!!

Saturday, November 01, 2008

mag-aral ay di biro.

after finishing A.B. Communication Arts, getting a few units of M.A. in Special Ed, taking up 18 units of Education, and passing the Licensure Examination for Teachers, I am now ready to... kill myself.

yes, I enrolled to a 6-unit OJT this sem to finish my Certificate in Teaching Program at the PNU. I am about to experience classroom teaching in a public secondary lab school. teaching (or trying to) high school boys and girls. after 6 months of resting from a kidney transplant. 3 months, Mon-Fri, 7am - 4pm.

i'd be dead in a week. *LOL*




though, if i finish this without crashing, i'd go onwards to getting a job as a teacher by June. I can teach already, I already have my license as a high school English teacher, however, I want to have some kind of experience first before I humiliate myself.

yeah, yeah... not if i kill myself first.

but i really want to finish this. If I get my certificate and a couple years of experience, if ever the future tells us to live somewhere else, I'd be ready.




high school!

i'm screwed.