Thursday, November 13, 2008

mga unang araw sa pagiging guro.

dahil wala akong pinagkakaabalahan ngayon sa buhay ko, nag-enroll ako ng practicum sa PNU. Ito na lang din naman ang kulang ko para makuha ko ang certificate ko (Certificate in Teaching). Nakapag-LET na ako noon pang 2004 at pinalad namang pumasa, pero dahil nagkasakit ako, hindi ko naumpisahang magturo.

In-assign ako ng Prof ko sa school ng mga anak ko, kaya medyo ayos na din kasi sabay na kaming lahat pumapasok, di na ko gumagastos ng extra sa pamasahe. Hindi na rin ako kinakabahan na baka kung may anong nangyayari sa mga anak ko dun.

Grade 1 English ako. 3 sections. 6x akong magtuturo kasi 1 hour and 40 minutes ang English time, kaya hinati sa dalawang sessions. 4 sa umaga, 2 sa hapon. 6:50-4:00 ang time, pero ang pagtuturo ay hanggang 2:10 lang. Merong mga 10 minute at 1 hour free time, meron ding lunch break.

Hindi pa ako opisyal na nagtuturo kasi 1 linggo ang observation time, pero naga-assist na ko sa classroom, like checking ng papers at sa discipline. Ginawa ko din ang bulletin board dahil English Week next week. Concept, materials, pagod ang binigay ko sa paggawa ng bulletin board na yun. Bukas, matatapos ko na. Konti na lang ang idadagdag ko, na manggagaling naman sa mga bata (gagawa sila ng sulat).

Kahit na maingay at sobrang likot ng mga students, hindi naman ako masyadong napapagod dahil dun, kasi malalambing naman sila. Merong mga students na sobrang pilya/o. Akala ko noon pag babae, hindi mahirap alagaan. Pero ngayon, pantay-pantay na sila sa paningin ko. Walang pinipiling gender ang kakulitan.

Grade 1 pa lang, nagpapasahan na rin ng notes na may I LOVE YOU pa. Nagliligawan na at ang nakakagulat pa dun, babae pa ang lumalapit sa guys. Syempre, lahat yun, puro lang naman biro.

Maraming mga bata ang medyo may problema, like hindi pa marunong mismo sa alphabet, tamad magsulat, mga halatang may learning disabilities, etc. Meron pa ngang isa na laging nili-lick ang kanyang mga daliri in a different and covert manner, obviously, may compulsions ang bata na sana ay dapat naiintervene. Hindi naman yun nakakalagpas sa mga teachers at sa guidance. Pero pag sinabi naman ito sa mga magulang, marami din sa mga ito ang hindi naman nakikinig at in-denial kahit obvious na. Kawawa ang bata, hindi nakukuha ang tamang intervention sa isang regular school. Hindi naman kaya ng isang teacher na bantayan ang anak nila all the time dahil malaki ang class size sa mga regular schools, unlike sa special school na 10 students in a class lang.

Kahit ilang araw pa lang ako dun, may mga kilala na akong students at natatawag ko na mga pangalan nila dahil sila yung mga kailangang pansinin. Yung mga hindi nagsusulat, maiingay, at tayo ng tayo.

Madami din naman akong natutunan sa aking cooperating teacher (CT) dahil sa pagoobserve ko. Yung style niya ng pagtuturo, pano imotivate ang mga bata, at ang pagdidisiplina.

Natuto din akong gumawa ng CPG (Curriculum Pacing Guide) o lesson plan. Aside from discipline and dealing with the parents, eto na ang susunod na mahirap para sa mga teachers. Ang mag-isip kung ano ang gagawin mo sa loob ng klase araw-araw. Hindi naman bigla ka na lang papasok sa isang classroom na hindi ka handa. Dapat may steps ka na susundin. Hindi pwedeng lecture agad. At sa mga bata, hindi pwedeng walang visual aids at mga pakulo.

Multiple Intelligences, dapat nakaintegrate sa lessons. At dahil Catholic ang school, pati ang pagiging Katoliko, dapat incorporated. At ang English subject, dapat din iniintegrate ang iba pang subjects. Tulad ng pagtuturo kunwari ng sentence construction, dapat gagamit ka ng sentence examples na gaya ng "A number that is multiplied to zero is always zero." na incorporated ang Math.

Ang pinakamabigat na problema sa pagiging teacher--ang mga magulang. May magulang na over-reacting. Konting magsumbong ang anak, hindi muna iga-gather ang facts, bigla na lang magagalit at susugod. At nangyari yun sa CT ko. Buti na lang nandun ako, meron siyang witness na wala namang ganun na nangyayari. Ang sumbong ng bata, sinipa daw siya nung CT ko. Hahahaha. Sobrang bait ng CT, at hindi halos humahawak sa mga bata. Ang batang babaeng ito, sa observation ko, ay isang child with special needs, mukhang ADHD. Hindi ko alam kung naintervene na siya. Kanina tinanong ko siya kung tapos na siyang magsulat, oo daw. Nung tingnan ko, wala pa siyang nasusulat. Dun pa lang, malalaman mo na agad na kaya nitong magsinungaling.

Hindi na pwede ngayon ang disiplinang gaya ng dati. Ngayon, dapat mag-ingat ka sa sasabihin mo sa bata dahil nakakarating sa mga magulang. Kung sabihan mo siya kunwari na "Masama ang magsinungaling. Tawag dun, liar. Liar ka ba?" sasagot yun ng "hindi po." tapos ieexplain mo na sa kanya ang topic ng pagsisinungaling, at ang samang idudulot nito, etc. Ang makakarating lang sa nanay nun, "si Ms, sabi niya liar ako." At ang nanay, susugod na lang at magagalit. Tinuturuan mo na nga ang makulit niyang anak ng discipline, siya pa ang magagalit sa yo.

Hay... Taas ang kamay kung sino ang gusto pa ring maging teacher!

No comments:

Post a Comment