Wednesday, March 04, 2009

pirmado na!

Tanggap na ako bilang isang guro sa preschool. Ngar. Keri ko kaya to?

Start ako ng April 13 (buti na lang lunes yun) bilang Reading teacher para sa mga bata edad 4-5. Summer class to, isang buwan ang duration. Ang opening ng regular classes ay sa June 8, pero direcho na ang pasok namin.

Ang halos isang buwan na pumapasok kami pero wala kaming tinuturuan ay gagamitin daw sa paghahanda ng classroom at mga lessons.

Ang sweldo... pwedeng pambili ng mani at hopia, pamasahe... and nothing else. Pero it's the experience that counts. Basta lipat na lang ako sa mas mataas na sahod sa susunod.

Nakilala ko na din ang Pari/Principal na siyang magiging boss ko. Mabait naman. Pero sabi niya nga sa kin... "You have a lot of experiences, except teaching."

Ouch. Sakit nun Father ah. Pagdadasal kita. (joke. LOL)

eniwei wanwei, sana makayanan ko ang pagtuturo. Ayon nga sa isang sikat na Persian proverb-->"Gud lak!"

wehehehehe.

No comments:

Post a Comment