Tuesday, May 05, 2009

Bukas (isang dramang hindi kasali si Hayden Kho)

Bukas, isang taon na akong hindi nada-dialysis. Bukas, birthday ko. Para akong isang sanggol na kailangan pa rin ng tamang alaga at bitamina. Kailangang matuto uling gumapang, tumayo, at maglakad. Kailangang maranasang madapa, bago bumangon.

Bukas, aalalahanin ko ang lahat ng hirap... hindi lang hirap na dinanas ko, kundi ng buong pamilya kong nagmamahal sa akin. Alam kong sa mga darating na araw, meron pa ring ibibigay ang Panginoon na hirap. Pero alam ko rin na gaya ng dati, kakayanin ko. Sa tulong ng panalangin. Sa tulong ng tibay ng dibdib. Sa tulong ng pagmamahal.

Bukas, may misa ng pasasalamat sa Sta. Clara de Montefalco sa ganap na ala-seis ng gabi. Sana ay sabayan niyo kami sa pagpuri namin sa Panginoon saan man kayo naroroon.



Pahabol-Sulat:
Bukas nga pala ay Mayo a vente siete. Hehe.


Pahabol-Sulat tayms tu:
Salamat ng maraming-marami sa lahat ng nagdasal at nagbigay ng tulong.
**kiss kiss hug hug**

No comments:

Post a Comment