Saturday, May 09, 2009

the ring

yung mga studyante ko, tinanong ako tungkol sa suot kong kwintas, kaya napagkatuwaan kong kunan ng litrato. dami ng palawit. kailangan kong sabihin sa kanila ang ibig sabihin ng lahat ng ito.



REICH -- pangalan ko yan. may ibig sabihin yan sa German. Pang-mayabang na pangalan kung seseryosohin mo. Sa kin, gusto ko lang ng spelling. haha.

Pagong -- kasi cute ang mga pagong. madami na ko niyan sa bahay. kaso sabi ng nanay ko, malas daw. so, si Chokie, ang buhay kong alaga.... ay ipamimigay na sa ibang tao, para sila naman ang malasin. joke! di ako naniniwala sa malas. pag naniwala ka dun, mamalasin ka talaga. wala sa Catholic dictionary ang term na malas. "magagalit si Jesus, cge ka!" <--yan ang madalas na sinasabi ng mga teacher sa students. Blasphemy!!!

St. Peregrine -- bigay sa kin to ni Tita Terry, nakalagay sa parang card, ginupit ko yan at ginawang palawit. May significance na rin yan sa kin, kasi St. Peregrine ang section ng advisory class ko nung nag-practicum ako. Tapos, nalaman ko na si St. Peregrine pala ang patron saint ng mga life-threatening diseases, gaya ng cancer at AIDS.



Singsing -- bagong dagdag. bigay sa kin yan ng panganay kong anak. Umuwi ako at nakita ko ang isang lobo sa kwarto ko. sa dulo nito, nakatali ang singsing na yan. May nakaukit sa loob. Sweet noh? Dinaig pa ang tatay niya. Hahahaha. Regalo niya yan sa kin ngayong mother's day. Ang dalawa ko pang anak, binigyan naman ako ng card. Di ko pa nakukunan ng pityur.

ah, oo nga pala... kaya naging pendant ang singsing... sa sobrang laki niya, pwede ko syang ilagay sa big toe ko. overboard ang pagiisip ng anak ko na kasi tumaba daw ako kaya ganun kalaki ang binili niya. kasabay nun, sinabi na niya na mahal daw bili nya dyan at wag na ko magreklamo. yun ang minana niya sa tatay niya. hahahaha.

Yun lang naman.

Happy Mother's Day sa lahat ng mga nanay!

No comments:

Post a Comment