Friday, June 11, 2010

Ang Straw

Punta kami ni Anea ng Pasay Market para mamirata ng DVD... hehe. Bumili kasi siya ng anime na naman... K-On! naman ngayon.  Adddddeeeek!

Di siya nangiti papunta dun, may S eh. Pinapatawa ko, ayaw!

Daan kami Goldilocks kasi bili ako ng mamon pa-merienda sa therapist ni Dale... eh may nakita ako sa may likod na brownish thingie na nakaplastic... eh I was figuring out what it was.  Feeling ko barquillos of some sort.

Ako:  Beh, ano kaya yun, yung brown na nakaplastic na parang straw?

Anea:  (matter-of-factly)  Straw!

Hindi ko napigilan umiyak sa kakatawa... and I achieved my goal na pangitiin din siya. ahehe.  ang tanga ko.... in my defense... nasanay ako na red ang kulay ng mga straw, okay?!!!!

No comments:

Post a Comment