Saturday, September 03, 2016

47

Sabado ngayon. September 3. 47 taon nang kasal ang mga magulang ko. Nagkakainan sila sa taas. Andito ako sa kwarto, nagpapapahinga kasi pagod na pagod na.

Galing lang naman ng pagpapaopera. Nagpatanggal ng parathyroid. Sa pagkakaalam ko, pang siyam na hiwa ko na to. Gaddamit andami na. Para na akong lab rat. Isang guinea pig. Baboy na kinakatay. Unti-unting kinukuha ni Lord.

Nung bumalik kami ng ER, halos ramdam kong humihiwalay na ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko. Nakakatakot.  Ngayon lang ako seryosong natakot na mamatay.

Ano bang nasa dako pa roon? Ano’ng meron pagkatapos ng lahat? Sana kung parang araw lang, alam mong may Linggo pagnatapos ang Sabado. Pero hindi eh. Hindi ka sigurado.

Sana lang pagkanamatay na ako, maging parang “What Dreams May Come.” May tao pa din. May lugar. May mapupuntahan. May liwanag. At wala nang dilim.  Sana.

Natatakot ako ngayon matulog. Dahil baka hindi na lang ako magising. Natatakot ako para sa mga anak kong maiiiwan. Paano na lang sila?  Sino na ang sasagot sa mga nonsense na tanong nila? Sino na ang manonood ng mga “huh?” nilang videos? Sino na lang ang sisigaw sa kanila para gumising na? Sino na lang ang dadrama?

Di ko pwedeng sabihin sa kanila ngayon na “huwag kayong malungkot, i will always be there.” because i know that’s bullshit. I will never be there. Not anymore.

I will be just a memory. I just wish that i left enough happy memories for my children. Enough for them to go on living without me. Enough to never question God “why my Mom?!” Enough to never hate the living coz I am not amongst them. Enough until we meet again.

Oo. May hope ako ngayon, na, sana, may after life. Na sana magkita-kita pa din kami ng mga anak ko sa langit. Kasi sobrang saya ko sa kanila dito sa lupa that I honestly will never get tired of seeing them, being with them, hugging them.

Kahit gaano ako nagagalit sa tigas ng ulo nila, sa kulit, sa dami ng tanong, sa kawalan ng sagot… I cannot imagine a day without them.

Naiiyak ako. Naiiyak ako.  Naiiyak ako.

I’ll cry until the pity party’s in place.

No comments:

Post a Comment